7 dinampot sa online sabong sa Caloocan (Sabong News)
Author
Doris Franche
Date
SEPTEMBER 13 2021
MANILA, Philippines — Dinampot ng mga pulis ang pitong katao nang salakayin ang isang illegal na online sabong sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang mga suspek na sina Jaypee Paredes, 27, delivery rider; Rafael Roche, 47, security guard; Eduardo Villanueva, 57; Diego Lagado, 63; Kenneth Igot, 28; Alexander Marveda, 58 at Vergenio Lagado, 57;, pawang residente ng DM Compd. Brgy. 73.
Batay sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya mula sa concerned citizen hinggil sa nagaganap na illegal gambling activity na kilala bilang Online Sabong sa DM Compound Heros Del, Brgy. 73 ng lungsod.
Kaagad nagsagawa ng anti-ilegal gambling operation, alas-5:30 ng hapon sa naturang lugar at naaktuhan ang pitong kalalakihan na tumataya sa online sabong kaya’t nilapitan nila ang mga ito at inaresto.
Nakumpiska ng mga pulis ang isang monitor at isang mother board na may power supply box habang ang P2,590 bet money ay narekober nila kay Diego at Vergenio.