Kita sa sabong, pinagbentahan ng paintings gustong isama sa AMLA (Sabong News)
Author
Gemma Garcia
Date
JUNE 26 2017
MANILA, Philippines - Isasama na rin ang kita sa sabong, pinagbilihan ng paintings, pinagbentahan ng kotse , real estate business at iba pang kita mula sa ibang mga kumpanya sa Anti-Money Laundering Act (AMLA).
Ipinaliwanag ni House Committee on Banks and Financial intermediaries at Eastern Samar Rep. Ben Evardone, marami pa ang gustong isama ang derby, gayundin din ang mga buyer ng paintings na sobrang mamahal dahil ang iba umano ay dito nila launder ang pera gayundin ang car dealers, real estate brokers at mga kumpanya.
Hindi umano nila ito naisama sa amendment na kanilang inaprubahan dahil sa nagmamadali sila na maipasa ang panukala na nagsasama sa casino sa AMLA para hindi ma blacklisted ang Pilipinas sa international community.
Aminado naman si Evardone, na ang nasabing panukala ay hindi naisama ng aprubahan ng mga kongresista at mga senador sa bicameral conference committee ang panukalang batas na nagbibigay ng pangil sa AMLA sa pamamagitan ng pagsasama sa industriya ng casino ng mas mahigpit na pagpapatupad sa P5 milyon kada transaksyon na maaaring ireport o i-alarma ang Anti- Money Laundering Council (AMLC).
Ang House Bill No. 5663 ay inaprubahan sa 3rd and final reading na nagbibigay ng pangil sa AMLA matapos ang isyu ng $81-million Bangladeshi cybercrime na nakapasok at nakalabas ng bansa noong nakaraang taon.
Matatandaan na noong Pebrero 2016 ay dinala ang Bangladeshi funds ng hackers sa Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) at sa mga casino kaya nabunyag na nagagamit ang mga gaming establishments sa mga illegal na aktibidad.