Sabungerong pulis, 17 pa huli (Sabong News)
Author
Doris Franche
Date
JUNE 16 2020
MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang isang miyembro ng Eastern Police District (EPD) na pasimuno ng tupada at 17 na iba pa sa Pasig City kahapon ng umaga.
Ayon kay (PNP-IMEG) P/Brigader Gen. Ronald Lee,alas-11:30 ng umaganang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng IMEG Luzon Field Unit at National Intelligence Division ng NCRPO, sa pakikipag-ugnayan ng Pasig City Police Station ang isang compound sa Brgy. Santolan Pasig.
Ito ay makaraang makatanggap ng sumbong ang IMEG hinggil sa tupada na paglabag sa quarantine protocols bunsod ng COVID-19 pandemic.
Nang magpositibo ang impormasyon, agad na sinalakay ang compound atnaabutan ang pulis na si P/Staff Sergeant Jose Francisco Cabusao ng EPD District-Drug Enforcement Unit at 17 iba pa. Sila ay inaresto nang maaktuhang nagsasabong, walang social distancing at walang suot na face mask.
Inutos na ni NCRPO Director Major Gen. Debold Sinas na sampahan ng kasong administratibo ang naarestong pulis.