Sabong, sabong, sabong (Sabong News)
Author
Edith R. Regalado
Date
APRIL 15 2020
Iisa ang pinanggalingan ng positivecasesngCOVID-19 hindi lang dito sa DavaoCitykundi sabuongMindanao.
Ito ay ang derby na naganap noong Marso 12 to 16 dito sa NewMatinaGallerana dinaluhan ng may higit 1,000 sabungero na nanggaling pang Maynila, Cagayan deOroCity, MisamisOriental, Bukidnon, NorthCotabato, Cotabato City, South Cotabato, ButuanCity, Lanaoprovinces. IliganCity, Agusanprovinces, DavaoOriental, Davao del Norte, Davao del Sur,Davaode Oro at Davao Occidental.
At napag-alamang hinahabolna ng Department of Health ang may 9,000 hanggang 10,000katao na kinokonsidera na “superspreader” simula pa lang sa may 500 na mga aktuwal nanaroon sa sabungan noong mga araw na ‘yon ng Marso.
Wala namansanang problema ang DavaoCity atmaging angibang rehiyon ng Mindanao kundi lamang nang dahil sa derby na ‘yon na may dala ng COVID-19.
Kahit na zero cases ang DavaoCityat maging ang Davaoregionnitongtatlongmga huling araw, patuloy pa rin ang paghahanap at contact tracing ng DOH sa 9,000 to 10,000katao na pinaniwalaan na mga “superspreader” nga.
Kaya todobantay ditosa katimugan na kung saan pinaiiral ang 12-hourcurfew at liquor ban na 24 hours.
At istrikto rin ang ECQdito kaya hindi basta-basta nakakalabas ang mga tao.Okaylang naman kami rito kasi sumusunod naman kami sa guidelines ng local government officials namin.