Hindi naman tinatanggap ng mga fans ni Kathryn Bernardo na isang paghahamonang sinabi ni Nadine Lustre na gusto nitong makasama sa isang proyekto, probably a movie, si Kathryn. Pero, kung totoo nga na gusto nitong patunayan kung sino sa kanilang dalawa ang mas magaling na artista ay tinatanggap nila ang hamonng buong puso para sa kanilang idolo.Kung sa isang Kapuso na si Alden Richards ay pinayagan ng Kapamilya na makitambal ang ka-loveteamni Daniel Padilla sa Hello, Love, Goodbye bakit naman hindi sa isang kapwaniya Kapamilya?Malalaman nga ang magiging reception sa kanila ng mga manonood sa pagtatapos ng buwang ito na kung kailan ay nakatakda nang mapanood ang movie nila.Welcome din naman kay Kathryn ang pagsasamanila ng ka-loveteam naman ni James Reid, at kung itatakda ito ng film arm ng ABS-CBN eh, bakit naman hindi. Mangangahulugan lamang ito ng pagtaas ng estado ng kanyang pagiging isang artista.Welcomeng ABS-CBN ang pagbabalik ni Rafael Rosell. Mapapanood ang comeback ng aktor sa isang episode ng Ipaglaban Mo ngayong Sabado. Ang IM ang sumusunod sa Maala-ala Mo Kaya na pinagtutuunan ng pansin ng ABS-CBN dahil sa malakas na suporta dito ng manonood. Katulad ng MMK ay malalaki at mahuhusay na artista ang kinukuhang gumanap sa mga kuwento ng IMna mula sa mga nadesisyunan nangkaso sa korte.Dahil bahagi ang kuwento na ginagampanan ni Rafael sa selebrasyon ng anibersaryo ng serye ay mga malalaking artista din ang kinuha para gumanap sa episode. Tulad ni JM de Guzman na kinasasabikan na ring mapanood matapos itong magbida sa Araw Gabi kasama ang nakaaway niyang leading lady na si Barbie Imperial. Kababalik pa lamangni Rafael pero, maramiang pinaplanong project para sa kanya ang network.Hindi lamang sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre ang pinagsasabongngayon at ginagawanng isyu dahil lamang pinalalakas ang mga solo career nila since iba na ang tinatahak ng karera nila, hindi na ang pakikipag-loveteam. Sabong din ang kinakaharap nina Andrea Brillantes at Francine Diaz bilang bahagi ng Gold Squad na isa rin sa nagpapalakas ng seryeng Kadenang Ginto. Hindi pa pinal ang pagpapareha sa kanila kina Kyle Echarri at Seth Fedelin dahil kasalukuyan pang ini-eksperimento ng Kapamilya kung sino talaga ang tinatanggap ng mga fans bilang kapareha ng dalawa.Pagdating sa internet at social media, mukhang hindipakakabog si Alex Gonzaga sa kapatid niyang si Toni Gonzaga. Masaya ang huli dahil aabot na ng 1-Mang subscriber niya sa YouTube na kung saan ay namamayani ang nakababata niyang sister. Sana hindi magkaro’nng tensyon sa pagitan ng magkapatid dahil mabilis nang umaagaw ng kasikatan si Toni sa socialmedia na nauna nang pinagreynahanni Alex.