Dawn, Sen. Pia, Tessa, at Carmina hinahayaang maglikot ang mga anak! (Sabong News)
Author
Ramon M. Bernardo
Date
MARCH 23 2013
MANILA, Philippines - Natural na sa bata ang magkaroon ng dumi sa katawan at nagmamantsa ang mga damit pagkaraang maglaro at hindi ito maiwasan.
Ganoon talaga ang mga bata. Bahagi ng kaÂnilang pagiging bata ang madumihan sa sariling katawan.
Sinasang-ayunan naman ito ng fab quad na sina Dawn Zulueta, Sen. Pia Cayetano, Tessa Prieto-Valdez at Carmina Villaroel.
“Napapraning ang mga magulang kapag nagÂlalaro ang maliliit nilang mga anak sa labas ng bahay. Gusto sana nilang laging nasa loob ng bahay ang mga ito pero ayaw naman nilang mawalan ng oportunidad ang kanilang mga anak na matutunan at maranasan ang mga bagay na naranasan natin noong bata pa tayo,†pahayag ni Dawn.
“Hinihikayat ko ang anak kong lalake na maglaro sa labas at maging aktibo. Hindi lang nito pinalalakas ang kanyang immune system kundi nakakahalubilo rin niya ang ibang mga bata. Kaya nga aalis kami sa condominium namin at lilipat sa isang sarili naming bahay para mas malaki ang magagalawan niyang lugar,†sabi naman ni Sen. Pia.
Ang pagiging artist ni Tessa ay makikita sa paraan ng pagpapahintulot niya sa maliliit niyang mga anak na ipahayag o ipamalas ang kanilang mga inklinasyon o hilig. “Nakakatuwa ang maging ina at magkaroon ng mga bata,†sabi ni Tessa. Halos dekada ang pagitan ng mga edad ng kanyang mga anak. Dahil dito, mas malaki ang panahon niya sa bawat bata.
Kahit malalaki ang agwat ng kanilang mga edad at magkakaiba ang mga hilig, lahat ng kanyang mga anak ay mahilig lumabas sa bahay at ipinupursige ang kani-kanilang interes. Pumupunta rin sila sa beach kapag weekend dahil mahilig sa wakeboarding ang kanyang mga anak.
Pero wala na silang dapat ikabahala kung narurumihan man sa labas ang kanilang mga anak. Meron na ngayong all-new laundry detergent na magpapabago sa pananaw ng mga ina kapag luÂmalabas ng bahay ang kanilang mga anak.
Ginawa ang Breeze with ActivBleach para sa mga ina at sa lumalaki nilang mga anak. Nasa Pilipinas na ngayon ang global brand na ito para matulungan ang mga mommy sa problema ng mga dumi o mantsa sa damit na nakukuha ng kanilang mga anak sa paglalaro sa labas ng bahay. Pinaparami rin dito ang bilang ng mga sige mom na tulad nina Dawn, Sen. Pia, Tessa at Carmina.
“Napakaliksi ng kambal ko. Gusto kong maranasan din nila ang naranasan ko noong bata ako,†kuwento ni Carmina. “Laking kalye ako, hindi lang halata.
“Hinahayaan ko sila sa gusto nila. Makipaglaro sa kanilang mga kaibigan. Magbisikleta, mag-swimming, mag-badminton. Nakikipaglaro rin sila sa mga aso namin.â€
Pero meron ding oras na binabawalan niyang lumabas ang kanyang mga anak. “Iyon ang panahon na napakaliit pa nila. Tulad ng tipikal na mommy, sasabihin ko, ‘wag kasi madumi’. Pero kinalaunan, pinapayagan ko na sila. Kailangan din nilang matuto. Naranasan din nilang madapa o masugatan at natututo sila rito,†dagdag niya.
Sang-ayon din si Senator Pia na kilalang isang outdoor person. Hindi niya maitago ang katotohaÂnan na namana ng kanyang mga anak ang hilig niya sa aktibong pamumuhay.
Ayon nga sa pag-aaral ng mga child development expert, mas natututo ang mga bata sa karanasan kaysa sa itinuturo sa kanila.
Sa makabagong teknolohiya sa sabong panlaba, maaari nang hayaan ng mga mommy ang kanilang mga anak na lumabas at maglaro. Hindi na problema ang mga dumi at mantsa sa damit. Tulad nina Dawn, Sen. Pia, Tessa at Carmina, masasabi nilang Sige sa Mantsa!