LISTAHAN: Mga pumasa sa 2018 bar examinations (Sabong News)
Author
James Relativo
Date
MAY 03 2019
MANILA, Philippines — Tanghali ng Biyernes nang ilabas ng Korte Suprema ang resulta ng 2018 bar examinations— ang pagsusulit na kinukuha ng mga nais maging lisensyadong manananggol.
Sa 8,155 na kumuha ng exam, 1,800 ang pinalad na mapasama sa listahan (22.07% passing rate) ng mga bagong abogado ng bansa, ayon kay
.
Noong 2017,
lang sa kabuuang 6,748 na kumuha nitoang pumasa, o1,724 ayon saKataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na tanging nag-aadminister ng pagsusulit.
Nanggaling mula sa Ateneo de Manila University ang topnotcher ngayon taon na nakakuha ng89.3060%.
Binati naman ng Office of the Solicitor General, ang law office ng Republika ng Pilipinas, ang mga bar passers at hinimok silang magsilbi sa pamahalaan.
"We encourage all bar passers to heed the call of public service and join the OSG in its pursuit of social justice as the Defender of the Republic and Tributine of the People," sabi ni Solicitor General Jose Calida sa isang
.
Para sa mga hindi pumasa, sinabi ni Calida na sana'y huwag silang panghinaan ng loob.
"Courage lies not in the number of times we fall, but in every fall, we rise up from the ashes and ready to fight anew," ayon sa OSG.
Hindi naiwasang maging emosyonal ng marami matapos lumabas ang resulta ng
ngayong tanghali. | via
Nanawagan naman si dating Solicitor General Florin Hilbay, kandidato sa pagka-senador ng Otso Diretso,na nawa'y gamitin ng mga bagong abogado ang posisyon para
.
"Uphold our Consti, protect human rights, stay honest, & promote the highest ideals of our profession. Be a shining light in these challenging times," ani Hilbay.