Jueteng apps, lumang tugtugin na (Sabong News)
Author
Butch M. Quejada
Date
DECEMBER 12 2020
HI-TECH na ang dayaan bolahan o jueteng dahil puwede nang tumaya sa online ang juetengbettors. Sabi nga, may jueteng apps na pero matagal na pala ito!
Sa ngayon nakanganga ang mga kubradordahil hindi sila makakakuha ng komisyon sa gambling lord porkenaka-online ang tayaan ngayon.
Kumikita kaya ang jueteng online?
Hindi pa itokinakagatng mgamananayadahil alam nilang hindi biro ang dayaan dito. Sabi nga, kung gustong ikanalang mga mananaya ay madaling gawin ng mga juetengfinancers. Ang juetengapps pala ay nadiskubre ng bright gambling lordbright dyan sa Isabelana si alyas “Polpoldedee”, matapos itong turuan ng mga magagaling na IT’s.
Kambiyoissue, ilang beses tinuruan ng grupo ni alyas “Polpoldedee” ang mga kubrador sa probinsiya pero hindi nila ito nakakagat. Bakit?
Hindi sila marunong o hirap silang intindihin ang itinuturo para makapangubra sa bagong hi-techjueteng appsoperation.
Sabi nga, maraming bopol na mga gurang na kubradores. Hehehe!
Matagal na ang jueteng appsna itinutulak sa mga probinsiya at sa mga korapna mga taga-LGU’spero hindi kinakagat ang sistema ng dayaan bolahan dahil alam ng mga mananaya na lalong madidiskaril ang pera nilang itataya rito.
Sabi nga, hindi biro ang dayaan sajueteng apps number game!
Matindi ang kumbinsihan sa juetengappsoperations kinausap ng management ang mga papasahang “franchise” ng jueteng operations at ipinangakong maganda ang kitaandito bukod pa sa maliit lamang ang intelihensiya o gastos sa mga papatong na korapgovernment officials na mgamatatakaw sa pitsa.
Ang siste nga lamang ay hindi matuto-tuto ang mga kamoteng tinuturuan kaya naman sa mga kabo nila ito ipinagawa para sila na rin ang kubradorgamit ang kanilang mga cell phonepara sa tayaan blues.
Kaya lang ayaw ng mga mananayasa jueteng apps systemdahil mas gusto pa nila ang sabong online.
Ang plano ng mga nakaimbento ng jueteng apps ay ibenta ang kanilang system pero walang kumagat dahil may ilang probinsiya na ang mga financers sa jueteng ay mga bigtime at mahirap kataluhin tulad sa Region3 si alyas “dose” ang nagpapatakbo ng mga illegalgambling, sa Baguio si alyas Luding at sa Batangas ay si Cesar“yeyes” na puwedeng ipapatay ang sino man unggoy na manggugulo sa kanilang operasyon.
Sabi ng isang gambling lord, kailangan ako ang bangka diyan sa jueteng apps para makontrol niya ang malalakas na numero na maglalabasan. Magkahulihan kaya rito? Iyan ang problema ng mga taga-PNP at NBI anti-cybercrime. Abangan.