Sabongonlinegame Recommendation

Casino Plus | PAGCOR Online Casino - Play and Win Big! Casino Plus | PAGCOR Online Casino - Play and Win Big!
Play Color Game on Casino Plus! Play Color Game on Casino Plus!
Color Game Grand Jackpot - up to ₱50,000,000! Color Game Grand Jackpot - up to ₱50,000,000!

Latest Sabong Betting Result

Sabong International MIDNIGHT EXPRESS MAY 05 2022
Sabong International MIDNIGHT EXPRESS MAY 05 2022
  1. Sabong Express 3/4-COCK DERBY ; MM 5-COCK DERBY MAY 04 2022
  2. Sabong International MIDNIGHT EXPRESS MAY 04 2022
  3. Sabong International A3 - NEGROS OCCIDENTAL 6 COCK DERBY PRE-FINALS MAY 03 2022
  4. Sabong Express 4-COCK DERBY MAY 03 2022

Where to bet: Tips & Tricks to Win in Online Sabong

Legitimate List of Casino Online Real Money
Legitimate List of Casino Online Real Money
  1. Online Casino in Philippines: Get Lucky and Win Big Prizes
  2. Start Playing on Online Casino Best Sites Now
  3. List of Casino Online with Real Money
  4. Come Play Online Casino Legit Games

Sabong International Online Betting - Here's What You Can Expect

WPC2027 Live Dashboard Login: The Future of Online Betting Game
WPC2027 Live Dashboard Login: The Future of Online Betting Game
  1. Know the Process for WPC2027 Live Dashboard Login
  2. Check Out the Latest WPC 2021 Schedule Today
  3. Stop E-Sabong
  4. E-Sabong Suspension Date

Online Sabong How to Register And Play

What Is WPC2027 Login Account?
What Is WPC2027 Login Account?
  1. The Suspension Of E Sabong 2022
  2. Updates On The Suspension Of E Sabong
  3. NEWS FLASH: Stop E Sabong
  4. One Of The Best: WPC2027 Register

Latest Sabong News

24 operator ng e-sabong, huli sa raid
24 operator ng e-sabong, huli sa raid
  1. E-sabong operators binabalahura si BBM
  2. Kontrobersiyal na PAGCOR logo pinaiimbestigahan sa Kamara
  3. Cattle rustlers & chicken thieves
  4. Walay problema uy!


PNP handang ipatupad ang ‘martial law’ ni Digong! (Sabong News)

PNP handang ipatupad ang ‘martial law’ ni Digong!
Author Non Alquitran
Date APRIL 20 2020
HANDA na ang kapulisan para ipatupad ang kautusan ni President Digong para supilin ang matitigas na ulo na mga Pinoy na patuloy na nagsusugal ng sabong at nag-iinuman sa kalye na maliwanag na paglabag sa social distancing na pinaiiral ng gobyerno sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Ayon kay Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang Deputy for Operations ng Philippine National Police na ikumpas lang ni Digong ang kamay na bakal niya at handa sila ipatupad nito dahil kasama ito sa contingency plans nila sa lahat ng quarantine levels. Si Eleazar, mga kosa ang hepe ng Inter-Agency Task Force COVID Shield kung saan kabilang sa mga miyembro ay ang military, Anti-Cyber Crime Group at Bureau of Fire Prevention, na nagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong bansa mula nang i-implement ni Digong ang lockdown sa Luzon noong Marso 17. Nagbabanta kasi si Digong sa kanyang mensahe sa mga Pinoy noong Huwebes na inutusan niya ang militar at PNP na maging ready sa paghabol sa mga Pinoy na patuloy na nagsusugal tulad ng sabong, at nag-iinuman sa kalye na hindi ginagawa ang social distancing. Ang masama pa n’yan, nahihilo na si Digong sa paghanap ng pera para ipamudmod sa mga apektado ng COVID, aba gagamitin lang pala nila ang ayuda sa sabong at inuman. Mayroon pang ginamit ito sa pagbili ng shabu. Araguuyyy! May puntong magalit si Digong, di ba mga kosa? Hak hak hak! Kapag iniutos ni Digong na makialam ang pulis at military sa kalye, aba magmukhang martial law na ang Pinas, di ba mga kosa? At tiyak mag-iingay na naman ang karamihan sa ating kababayan. Sinabi ni Eleazar na naintindihan niya ang hinanakit ni Digong dahil sa sari-saring paraan ng nga matitigas na ulo na mga Pinoy para paikutan itong home quarantine at physical distancing rules. Iginiit pa ni Eleazar na ang Task Force COVID ay may nakaambang contingency plans sa lahat na senaryo na maaring mangyari sa kasagsagan ng COVID at ipatutupad nila ito kahit saang bahagi ng bansa kapag ipinag-utos si Digong. Get’s n’yo mga kosa? Kaya h’wag kayong magtaka mga kosa kapag sandamakmak na pulis at military ang makikita n’yo sa kalye kapag patuloy kayong lumalabag sa alituntunin ng ECQ. Araguuyyy! Hak hak hak! Dapat siguruhin din ni Digong na may pagkain ang mga mahihirap na Pinoy dahil magkakagulo talaga ang mga ito kapag gutom na sila, di ba mga kosa? Kungsabagay, umabot na sa 120,000 curfew at ECQ violators ang naaresto ng Task Foce COvid, at hindi mabilang na mga driver ng public utility vehicles na lumabag sa transport ban. Hindi lang ‘yan! Pinakalat na rin ang PNP at force multipliers sa labas at loob ng mga palengke para ipatupad ang social distancing. Nag-deploy na rin si Brig. Gen. Eliseo Cruz, hepe ng Highway Patrol Group (HPG) ng mga tauhan sa EDSA at iba pang major thoroughfares para hulihin ang mga private vehicles na walang kaukulang quarantine pass. Kaya mga kosa, stay at home na muna tayo para di bumagsak sa kulungan at maiwasan ang martial law ni Digong. Abangan!

write a review (Sabong News)