Solon: Mga farm na nagsasagawa ng tupada hulihin at ipasara (Sabong News)
Author
Joy Cantos
Date
APRIL 30 2020
MANILA, Philippines — “Hulihin, ipasara at bantayan ang ilang farm sa Luzon at Visayas dahil sa lingguhang iligal na sabong na nagaganap sa kabila ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).”
Ito ang naging panawagan ni ACT-CIS Cong. Eric Yap sa mga kinauukulan, partikular na sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI).
Sinabi ni Yap, vice chairman ng House Committee on Games and Amusement, ilang religious groups ang sumulat o nag-private message sa Facebook page ng ACT-CIS Party-list para isumbong ang nangyayaring iligal na sabong o tupada sa loob ng ilang farm sa Luzon at Visayas simula nang lockdown noong Marso 15 at isang alyas Boy Teyada ang sinasabing nagpapasabong sa ilang farm nito sa Laguna at sa Tarlac.
“Ang masaklap pa, ayon sa sumbong, pinapalabas pa raw sa internet ang laban na delikado at baka mapanood ng mga bata na nakatutok din sa internet,” dagdag pa ng mambabatas.