MANILA, Philippines — Tatlong pulis, at 121 iba pa ang naaresto ng mga otoridad sa isinagawang raid sa isang tupada sa Vargas Cockpit Arena sa Brgy. Pengue Ruyu, Tuguegarao City, Cagayan.Ang tatlong pulis ay kinilalang sina SPO1 Elwood De Leon ng Peñablanca; SPO2 Jeoffrey Furigay ng Amulung, Cagayan Police station at PO3 Agapito Iringan Jr. Calanasan, Apayao Police Station.Inaresto rin ang mga operator ng tupada na sina Jose Carag, 67; Jose Luis Carag, 37; Teresa Cauilan, 47; Olivia Calagui, 47.Nasamsam ang mahigit P40,000 cash na nakolektang taya sa sabong at mga sound system equipments.Sinampahan ng pulisya ng kasong kriminal ang tatlong pulis at 121 iba pa sa City Prosecutor’s Office.