Mister dinukot sa sabungan (Sabong News)
Author
Joy Cantos
Date
FEBRUARY 25 2016
MANILA, Philippines - Dinukot ng mga hindi kilalang kalalakihan ang isang mister sa loob ng sabungan sa bayan ng Matnog, Sorsogon kamakalawa. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naitala ang insidente bandang alas-9:10 ng umaga sa loob ng sabungan ng Kanso Alaw sa Barangay Tugas. Ayon sa imbestigasyon, abala ang biktimang si Cesar Lacsa ng Barangay Bolo sa panonood ng sabong kasama ang isang tinukoy na si Carding de Leon nang bigla itong lapitan ng tatlong di-kilalanglalaki saka tinutukan ng baril at kinaladkad palabas sa sabungan.
Kaagad namang ipinaalamni de Leon sa pulisya ang naganap na insidente. Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya sa kaso para iligtas ang biktima at matukoy ang mga suspek.