4 parak inaresto habang nagsasabong at nag-iinuman (Sabong News)
Author
Joy Cantos
Date
JUNE 21 2019
MANILA, Philippines — Nadakip ng bagong tatag na PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang apat na aktibong pulis at isang sibilyang empleyado nang maaktuhang umiinom sa isang pampublikong lugar at tumataya sa e-sabongo ang online cockfighting sa isinagawang operasyon sa Cubao, Quezon City kamakalawa ng gabi.
Ang mga naaresto ay kinilalang sina P/Senior Master Sergeant Gerry Ocampo, nakatalaga sa PNP Crime Laboratory; Senior MasterSergeant Demetrio Laroya, Staff Sergeant Erwin Gobis at Corporal Ariel Pasion; pawang ng PNP Health Service at ang sibilyang empleyado na si Leo Ocinarna nagtratrabaho naman sa Directorate for Personnel Records and Management sa Camp Crame.
Arestado rin sa operasyon ang dating pulis na si Fidel Agustin, na kasalukuyang nilalakad na mare-instate o makabalik siyang muli sa serbisyo at Teddy Carpio, may-ari ng establisyemento sa online game.
Sa ulat, bandang alas-7:00 ng gabi nang maaresto ang nasabing mga pulis nang maaktuhan na nag-iinuman sa isang restaurantat bukod dito ay tumataya pa sa e-sabongsa operasyon sa Brgy. Bagong Lipunan ng lungsod.
Ang operasyon ay inilunsad matapos na makatanggap ng report ang PNP-IMEG hinggil sa pagkakasangkot ng mga tiwaling parak sa online betting at madalas na pag-iinuman ng alak sa nasabing establisyemento.
Nakumpiska sa operasyon ang bet money na nagkakahalaga ng P14,430, dalawang television sets na gamit sa online gambling, digitan video recorder, rolyo ng mga betting ticket, dalawang signal high-definition digital box at 23 bote ng alak.
Nahaharap sa kasong kriminal ang mga nasakoteng parak at mga sibilyang kasabwat.
Ang PNP-IMEG, dating PNP Counter-Intelligence Task Force (PNP-CITF) ay itinatag upang tutukan ang mga scalawags na nagsisilbing batik sa imahe ng kapulisan.