Sex etiquette (Sabong News)
Author
Miss ‘S’
Date
JULY 14 2018
Hindi healthy na basta na lang tatalon sa kama at makipagtalik na hindi alam ang listahan ng dos and don’ts sa ating isipan pagdating sa sex.
Sa makabagong panahon, ang mga tao ay sexually well inform na. Lalo na ang mga babae na mas marami nang option kung ano ang dapat gawin. Kaya huwag magpahuli sa mga sex etiquettes na tinatalakay upang magkaroon ng better choices sa usaping sex na paboritong topic nang lahat.
Maghugas o maligo - Ang pakikipag-sex ay isang intimate act. Kaya importanteng maging malinis ka bago sumabak sa sabong. Mahalagang malinis ang iyong mga kamay dahil ito ang madalas na ginagamit na pangromansa mula sa bawat parte ng katawan at maselang bahagi ng ka-partner.
Siyempre dahil magsasanib ang inyong mga katawan sa pakikipag-sex, importanteng malinis din ang iyong buong katawan.
Lalung-lalo na ang iyong “private part.” Dapat itong maging malinis bago “mag-dive.”
Upang ang love session ay maging best activities ay kailangang mag-shower o maligo muna. Huwag magmadali sa inyong lovemaking.
Para maiwasan din ang UTI na pagsisimulan ng bacteria kung ang partner ay hindi muna naliligo, nag-shower, o naghugas man lang.