Sabongonlinegame Recommendation

Casino Plus | PAGCOR Online Casino - Play and Win Big! Casino Plus | PAGCOR Online Casino - Play and Win Big!
Play Color Game on Casino Plus! Play Color Game on Casino Plus!
Color Game Grand Jackpot - up to ₱50,000,000! Color Game Grand Jackpot - up to ₱50,000,000!

Latest Sabong Betting Result

Sabong International MIDNIGHT EXPRESS MAY 05 2022
Sabong International MIDNIGHT EXPRESS MAY 05 2022
  1. Sabong Express 3/4-COCK DERBY ; MM 5-COCK DERBY MAY 04 2022
  2. Sabong International MIDNIGHT EXPRESS MAY 04 2022
  3. Sabong International A3 - NEGROS OCCIDENTAL 6 COCK DERBY PRE-FINALS MAY 03 2022
  4. Sabong Express 4-COCK DERBY MAY 03 2022

Where to bet: Tips & Tricks to Win in Online Sabong

Legitimate List of Casino Online Real Money
Legitimate List of Casino Online Real Money
  1. Online Casino in Philippines: Get Lucky and Win Big Prizes
  2. Start Playing on Online Casino Best Sites Now
  3. List of Casino Online with Real Money
  4. Come Play Online Casino Legit Games

Sabong International Online Betting - Here's What You Can Expect

WPC2027 Live Dashboard Login: The Future of Online Betting Game
WPC2027 Live Dashboard Login: The Future of Online Betting Game
  1. Know the Process for WPC2027 Live Dashboard Login
  2. Check Out the Latest WPC 2021 Schedule Today
  3. Stop E-Sabong
  4. E-Sabong Suspension Date

Online Sabong How to Register And Play

What Is WPC2027 Login Account?
What Is WPC2027 Login Account?
  1. The Suspension Of E Sabong 2022
  2. Updates On The Suspension Of E Sabong
  3. NEWS FLASH: Stop E Sabong
  4. One Of The Best: WPC2027 Register

Latest Sabong News

24 operator ng e-sabong, huli sa raid
24 operator ng e-sabong, huli sa raid
  1. E-sabong operators binabalahura si BBM
  2. Kontrobersiyal na PAGCOR logo pinaiimbestigahan sa Kamara
  3. Cattle rustlers & chicken thieves
  4. Walay problema uy!


Pangangati sa iba’t ibang bahagi ng katawan (Sabong News)

Pangangati sa iba’t ibang bahagi ng katawan
Author Dr. Luis Gatmaitan M.D
Date JULY 01 2018
ALAMIN ang sanhi ng pagkakamot ng inyong anak! Depende sa lugar kung saan nagkakamot, may clue na tayo kung ano ito. Ang pangangati ng ulo ay maaaring dahil sa kuto o lisa. Kung may kuto nga, gumamit ng Kwell shampoo upang mapuksa pati ang mga itlog nito. Iwasang makipaghiraman ng suklay o unan upang hindi na muling magkakuto. Kung nagkakati sa dakong puwit, baka may alagang bulate sa tiyan. Ang mga pinworms ay nangingitlog sa may bukana ng puwit kapag gabi. Mapapansing nagkakamot ang mga bata sa dakong puwit tuwing gabi. May gamot na kontra-pinworm na makagagamot dito. Kung nagkakati sa pagitan ng mga daliri, baka galis-aso ito (scabies). May espesyal na lotion na ginagamit (gaya ng Eurax at Kwell) para puksain ito. Kung nangangati ang paa, baka athlete’s foot ito. Laging gumamit ng medyas na yari sa cotton. Matapos hugasan at patuyuin ang paa, lagyan ng anti-fungal na foot powder o cream. Ang mga kinakain natin ay puwedeng magdulot ng pangangati ng katawan. Food allergy ang tawag dito. Kapag nangati matapos kumain ng isang partikular na pagkain, tandaan ang pagkaing ito. Iwasan muna. Tanungin ang inyong anak kung may nainom siyang bagong gamot. Lalo na kung ang pangangati ay may kasamang mga rashes sa balat. Ihinto ang paggamit ng naturang gamot. Tingnan ang inyong mga pets sa bahay. Baka naman may mga pulgas na ang inyong aso. O baka naman katabi pa ng inyong anak na nahihiga sa kama ang kanyang alagang aso o pusa. Nagdudulot ng matinding pangangati ang sakit na bulutong-tubig (chickenpox). Iwasang putukin ang mga butlig na may tubig. Iwasan ding kamutin ito upang maiwasan ang pagkakaroon ng malalalim na pilat. May mga lotion na puwedeng ipahid para sa pangangati ng balat gaya ng Calamine lotion. May mga cream din gaya ng Betnovate at Dermovate. Kung hindi makatulog dahil sa pangangati, puwedeng magreseta ang doctor ng tabletang may pampaantok gaya ng Benadryl at Iterax. Subukang paliguan ang inyong nagkakating anak. Haluan ng baking soda ang tubig na pampaligo. Makagiginhawa ito sa pangangati. Gumamit lamang ng mga cotton na underwear. Puwedeng makairita sa balat ang wool at nylon. Kung kayo ay nagpalit ng sabong panglaba o fabric softener, ibalik ang dating brand na ginagamit. Tingnan kung maaalis ang iritasyon. Hugasang mabuti ang mga nilabhang damit. Panatilihing laging maikli ang kuko upang sakaling magkamot, hindi masusugatan ang balat at hindi maiimpeksyon. • • • • • • Belated happy 18th birthday sa aking magandang pamangkin na si Tricia Nicole Gatmaitan Alimato (June 29, 2018) ng Wesleyan University of the Philippines. Siya ang panganay na anak nina Ronald Alimato at Teresita Gatmaitan ng Cabanatuan City. God’s favor be upon you all the time. Love u.

write a review (Sabong News)