Computer shops, gyms, atbp. bukas na sa Agosto 1 (Sabong News)
Author
Malou Escudero
Date
JULY 30 2020
MANILA, Philippines — Maaari nang magbukas simula Agosto 1, ang mga testing at health-related review centers, gyms, computer shops, aesthetic establishments, drive-in cinemas sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) katulad ng Metro Manila.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang desisyon ay napagkasunduan sa meeting ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases kamakalawa ng gabi, pero agad ding nilinaw na “gradual” lamang o 30% ng kapasidad ang papayagan.
Pinayagan na rin simula sa Agosto 1 sa mga lugar na nasa modified general community quarantine (MGCQ) na magbukas ang mga negosyo na nag-aalok ng full body massage; tattoo at body piercing; live events; entertainment industries; libraries, archives, museums at cultural centers; tourist destinations; language, driving, at dance/acting/voice schools.
Subalit, bawal pa rin ang operasyon ng sabong, beerhouse at iba pang kahalintulad na establisyemento lalo na ang mga nag-aalok ng mga alak at kid amusement industries sa mga lugar na nasa ilalim ng anumang uri ng quarantine.