Susan napahinga na sa ghost singer (Sabong News)
Author
Baby E
Date
JULY 01 2018
Si Susan Roces daw talaga ang mismong umawit ng catchy na kanta para sa endorsement niya sa RiteMed.
Required nga naman talaga ang lahat ng artista na dapat ay marunong silang kumanta at sumayaw, pero si Susan noon ay ‘di masyadong kumakanta kaya naman ang professional singer na si Carina Afable ay madalas daw i-dub ang kanyang boses kapag kailangan niyang kumanta.
Alam n’yo ba na nagkaroon din ng double si Susan para sa ilang scenes niya sa iba’t ibang pelikula? At ang gumanap nito ay si Dulce Lucban, na baguhan lamang noon pero kalaunan ay sumikat din.
Si Dulce ay nanay ng Concert Queen na si Pops Fernandez at tulad ni Susan ay nakapangasawa din ng isang action star, si Eddie Fernandez.
Tulad ni Fernando Poe Jr. na napangasawa ni Susan, si Eddie rin ay sumakabilang buhay na.
Samantala, si Carina naman ngayon ay nasa mid 70’s na, pero nasaan na kaya siya? Kumakanta pa rin kaya siya?
Sinasabing si Carina na Carina Agoncillo ang tunay na pangalan ay related daw kay Ryan Agoncillo, ang asawa ng aktres na si Judy Ann Santos.
Tinaguriang Queen of Musicals si Helen Gamboa noong araw dahil sa galing nito sa pag-awit at pag-arte.
Pinakasalan ni Helen ang Senate President na ngayon na si Tito Sotto na gumagawa pa rin paminsan-minsan ng mga pelikula at madalas mapanood sa noontime show na Eat Bulaga.
Ang nakakalungkot lang, wala ni isa sa mga anak nila, including Ciara Sotto, ang sumunod sa yapak ni Helen.
Ang former TV host na si Grace Lee ay napapabalitang magkakaroon daw ng comeback sa showbiz soon.
Si Grace ay dati na ring na-link kay dating pangulong Noynoy Aquino at sinasabing ex girlfriend siya ng huli.
Naka-schedule na siya na pumirma ng kontrata bilang talent ng Viva Artists Center, Inc. under Viva Films sa pangunguna ni Veronique Corpuz.
Tuloy pa rin Salve A., ang labanang Coco Martin at Vice Ganda sa darating na MMFF (Metro Manila Film Festival) 2018.
Pareho na silang nagbigay ng official entries sa nasabing event.
Ang pelikula ni Coco na Popoy en Jack, The Puliscredibles ay pagbibidahan nila ni Vic Sotto. Siya ang magdidirek nito kasama ang film production ni Vic, ang MZET at APT Entertainment ni Tony Tuviera.
Ang entry naman ni Vice na Fantastica: The Princesses, The Prince and The Perya ay pagbibidahan nila nina Maris Racal, Loisa Andalio at Maymay Entrata.
Producers nito ang ABS-CBN Productions, Inc. at Viva Films mula sa direksyon ni Barry Gonzales.
Ang nakaraang entry ni Vice noong MMFF 2017 na Gandarrapiddo: The Revengers Squad na idinirek ni Joyce Bernal ay tumabo sa takilya at talagang kumita ng malaki, kasama niya rito sina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach under Star Cinema.