3 parak arestado sa tupada (Sabong News)
Author
Joy Cantos
Date
JUNE 19 2018
MANILA, Philippines — Tatlong pulis at 12 iba pa ang inaresto matapos maaktuhang nagsasabong sa isang tupadahan kahapon ng umaga sa Heroesville Subdivision, Brgy. Gaya-gaya, San Jose del Monte, Bulacan, kahapon ng umaga.
Ang tatlong pulis na nahaharap sa kasong kriminal at administratibo ay kinilalang sina PO2 Michael Somido, nakatalaga sa Presidential PNP Security Force Unit, NCRPO; PO1 Raymond Meneses, nakatalaga sa Caloocan City PNP at PO1 Rhovel Araceli, nakatalaga sa District Public Safety Batallion ng Northern Police District, isang traffic enforcer ng San Jose del Monte na si Albert delos Reyes, na nakuhanan ng baril; isang staff member ng Sangguniang Panlalawigan na si Rodrigo Gojo Cruz at 10 iba na inaalam pa ang pangalan.
Nakuhang ebidensya ang 5 manok at mga tari na ginagamit sa sabong sa mga pulis na dinala sa Camp Crame at ikinulong.