Barangay chairman dinedo ng tandem (Sabong News)
Author
Gary Bernardo
Date
FEBRUARY 01 2017
PAMPANGA, Philippines – Napatay ang 37-anyos na barangay chairman matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen habang nanonood ng sabong sa Barangay Tramo-Mesulo sa bayan ng Arayat, Pampanga noong Linggo ng umaga. Napuruhan sa katawan ang biktimang si Chairman Richmond T. Rivera, 37, ng nasabing barangay. Base sa police report na nakarating kay P/Supt. Joel Consulta, Pampanga PNP director, masayang nanonood sa sabungan ang biktima nang lapitan at ratratin ng gunmen bandang alas-11:30 ng umaga. Sinisilip ng pulisya ang anggulong kalaban ng biktima sa kampanya nito laban sa drug trade.