Sabongonlinegame Recommendation

Casino Plus | PAGCOR Online Casino - Play and Win Big! Casino Plus | PAGCOR Online Casino - Play and Win Big!
Play Color Game on Casino Plus! Play Color Game on Casino Plus!
Color Game Grand Jackpot - up to ₱50,000,000! Color Game Grand Jackpot - up to ₱50,000,000!

Latest Sabong Betting Result

Sabong International MIDNIGHT EXPRESS MAY 05 2022
Sabong International MIDNIGHT EXPRESS MAY 05 2022
  1. Sabong Express 3/4-COCK DERBY ; MM 5-COCK DERBY MAY 04 2022
  2. Sabong International MIDNIGHT EXPRESS MAY 04 2022
  3. Sabong International A3 - NEGROS OCCIDENTAL 6 COCK DERBY PRE-FINALS MAY 03 2022
  4. Sabong Express 4-COCK DERBY MAY 03 2022

Where to bet: Tips & Tricks to Win in Online Sabong

Legitimate List of Casino Online Real Money
Legitimate List of Casino Online Real Money
  1. Online Casino in Philippines: Get Lucky and Win Big Prizes
  2. Start Playing on Online Casino Best Sites Now
  3. List of Casino Online with Real Money
  4. Come Play Online Casino Legit Games

Sabong International Online Betting - Here's What You Can Expect

WPC2027 Live Dashboard Login: The Future of Online Betting Game
WPC2027 Live Dashboard Login: The Future of Online Betting Game
  1. Know the Process for WPC2027 Live Dashboard Login
  2. Check Out the Latest WPC 2021 Schedule Today
  3. Stop E-Sabong
  4. E-Sabong Suspension Date

Online Sabong How to Register And Play

What Is WPC2027 Login Account?
What Is WPC2027 Login Account?
  1. The Suspension Of E Sabong 2022
  2. Updates On The Suspension Of E Sabong
  3. NEWS FLASH: Stop E Sabong
  4. One Of The Best: WPC2027 Register

Latest Sabong News

24 operator ng e-sabong, huli sa raid
24 operator ng e-sabong, huli sa raid
  1. E-sabong operators binabalahura si BBM
  2. Kontrobersiyal na PAGCOR logo pinaiimbestigahan sa Kamara
  3. Cattle rustlers & chicken thieves
  4. Walay problema uy!


Ang gimik ni Chairman Start, bow! (Sabong News)

Ang gimik ni Chairman Start, bow!
Author Non Alquitran
Date APRIL 16 2018
NAGPAMUDMOD ng mamahaling alak at sabon sa nasasakupan niya si Chairman Alvin Start ng Bgy. 580 Zone 56 sa Sampaloc, Manila nitong nakaraang general assembly. Kahon-kahon na alak na J&B at sabong Dove ang pinakawalan ni Start, anang mga kosa ko. Hindi lang ‘yan! Nangako pa si Start na sa susunod, pitsa na ang ipapamudmod niya. Wow bongga! Ginawa ito ni Start matapos ianunsiyo ng gobyerno ni Digong na tuloy na ang Barangay at SK elections sa May 14. Hindi kaya bawal ito spokesman James Jimenez ng Commission on Elections (Come­lec) Sir? Ibinando kasi ni Jimenez noong nakaraang linggo mga kosa na ang bawat kandidato para sa chairman ng barangay ay dapat gumasta lang ng P5 kada botante at kapag lumampas ay dapat hindi na patakbuhin? Dapat imbestigahan ng Comelec ang maagang pangangampanya ni Start at kung may ebidensiya i-disqualify na siya sa May 14. Get’s n’yo mga kosa? Hindi din angkop ang ginawa ni Start sa panawagan ni Manila Mayor Erap Estrada sa mga botante na ‘wag tangkilikin ang mga opisyal ng barangay na sangkot sa corruption at ilegal na droga, di ba kosang Bambi Purisima Sir? Kapag nag-utos din si Erap ng imbestigasyon, tiyak laglag ang brief’s ni Start, di ba mga kosa? Hak hak hak! Sa mga botante ng Bgy. 580 zone 56 nakasalalay ang kinabukasan ni Start sa May 14. Dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na vote-buying ang ginawa ni Start. Tumpak! Kaya naman nabanggit na saklaw ng panawagan ni Erap vs corruption at ilegal na droga si Start dahil nasa likod ito ng pagpalaganap ng sugal na bookies ng karera, hindi lang sa area niya ,kundi maging sa ibang bahagi ng Sampaloc. Alam ‘yan ng opisina ni MPD director Chief Supt. Jigs Coronel at Supt. Aquino Olivar, hepe ng Station 4 ng MPD dahil may lingguhang timbre sa kanila, di ba mga kosa? Hindi lang ‘yan! Bilang ebidensiya, ni-raid na last year ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang puwesto ni Start sa Vigan St., na sakop naman ng Bgy. 579 ang isang puwesto niya at sa katunayan ay nadampot ang kubrador na kapatid niya na si Antonette at dalawa pang mananaya. Subalit hanggang sa ngayon, tuloy pa rin naman ang puwesto ni Start sa Vigan, di ba kosang Jeff? Kaya maliwanag na hindi lang Comelec ang may habol kay Start kundi maging ang liderato ni Erap. Kaya ano pa ang hinihintay mo Mayor Erap Sir? Hak hak hak! Iwasiwas mo na ‘yang kanang kamay na bakal mo Mayor Erap para maniwala ang Manilenyo na seryoso ka sa kampanya mo laban sa corruption. Ikaw din at malapit na ang 2019 elections at baka may semplang ka kina dating Manila Mayor Alfredo Lim at dating senate president Manny Villar pag nagkataon. At para patunayan kina Mayor Erap at Gen. Coronel na naging pugad ng bookies ng karera ang barangay ni Start ibibigay ko sa kaalaman nila ang mga puwesto sa Bgy. 580 Zone 56 para hindi na mahirapan ang mga bataan nila. Sa bahay ni Rey Manuel sa 799 Palawan St., at ang bangka mismo ay si Start; sa bahay ni Romy Leonen sa 699 Domingo Santiago St., si Start din ang bangka; sa bahay ni Boyet Start sa 721 Domingo Santiago St., din ang bangka ay si Lito de Guzman; sa bahay ni Juvy Cerdena sa 755 sa Domingo Santiago St., uli ang bangka ay si Alvin Quiapo, at sa bahay ni Letty Parallag sa 720 Domingo Santiago St., ang bangka ay si Start mismo uli. Hayan, makikita naman na halos dikit-dikit na ang puwesto ng bookies ng karera sa Domingo Santiago St., kaya madali lang ma-raid ito, di ba Mayor Erap at Gen. Coronel Sir’s? Hak hak hak! Kaya pala nag-vote buying si Start dahil may puhunan siya galing sa illegal gambling, di ba mga kosa? Hindi parehas lumaban si Start ah! Kapag nagkataon, pangatlo o last term na itong tatakbuhin ni Start sa May 14. Ang ibinalita ng mga kosa ko, pati daughter-in-law nito na si Mia ay tatakbo ding kagawad. Ano ba ‘yan? Kung sabagay, hindi pa tumunog kahapon kung nag-file na sina Start at Mia ng kanilang certificate of candidacy sa Comelec na nagsimula kahapon. Pero sinisiguro ng mga kosa ko sa Bgy. 580 Zone 56 na hahabol sa kanyang 3rdterm si Start na maaring kalabanin ng No. 1 kagawad n’ya. Hehehe! Sa totoo lang Mayor Erap Sir, hindi lang si Start ang chairman ng barangay sa Maynila na sangkot sa illegal gambling at t’yak marami pa. May iba nga diyan na sangkot pa sa droga, di ba mga kosa? Kung sabagay, lesser evil itong pinasok ni Start at maaring lumambot ang puso ni Erap sa kanya. Hak hak hak! Ano sa tingin n’yo mga idol ko dyan sa Bgy. 580 Zone 56? Kukunsintihin kaya ng mga residente ng Bgy. 580 Zone 56 ang illegal na aktibidades ni Start? Ang balota sa May 14 ang may kasagutan nito. Abangan!

write a review (Sabong News)