2 kagawad, 7 pa tiklo sa tupada (Sabong News)
Author
Jorge Hallare
Date
APRIL 22 2020
MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang konsehal ng barangay at pito pang residente matapos maaktuhang nagtutupada sa kasagsagsan ng enhance community quarantine (ECQ) sa Sitio Inansagan, Brgy. Napawon, Goa, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.
Kakasuhan ng paglabag sa curfew hours at extreme enhanced community quarantine ang mga suspek na kinilalang sina Leonildo Millesca Abad, 48-anyos at Erson Osea Belleza, 38-anyos, parehong residente at barangay kagawad ng nasabing lugar; Ernan Belleza, Gerry Belza, Carlos Bejoc, Rodrigo Flores, Angelo Buates, Teddy Flores at Albert Galimba.
Sa ulat, dakong alas-5:17 ng hapon ay nakatanggap ng impormasyon ang Goa Police na nagkakaroon ng illegal na sabong o tinawag nilang larong “purok-purok” na walang taya ang mga suspek.
Agad rumesponde ang mga pulis at nahuli sa akto ang mga suspek na naglalaro ng “purok-purok” ng kanilang mga alagang manok.