5 tibog sa tupada (Sabong News)
Author
Ludy Bermudo
Date
APRIL 20 2020
MANILA, Philippines — Kalaboso ang limang sabungero na naaktuhan sa iligal na tupada ng mga tauhan ng Muntinlupa Police sa Barangay Cupang, Muntinlupa City kahapon ng umaga.
Isinailalim sa inquest proceedings sa Muntinlupa Prosecutor’s Office dahil sa paglabag sa Presidential Decree No. 1602 (Illegal Gambling-Tupada) ang mga suspek na sina Ariel Aborda, 41; Alejano Miones, 42; magkapatid na Melvin Guevarra, 40; at Nomar Guevarra, 46; at Joselito Bohoolano, 45, pawang residente ng naturang barangay.Nauna rito, sinugod ng mga tauhan ng Muntinlupa City Police ang Cabeza Compound sa Barangay Cupang dahil sa napaulat na tupada rito at naabutan nilang maraming manonood at tumataya sa sabong subalit lima lamang ang nadakip dahil nagkanya-kanya agad sa pagtakas ang iba.