Sabongonlinegame Recommendation

Casino Plus | PAGCOR Online Casino - Play and Win Big! Casino Plus | PAGCOR Online Casino - Play and Win Big!
Play Color Game on Casino Plus! Play Color Game on Casino Plus!
Color Game Grand Jackpot - up to ₱50,000,000! Color Game Grand Jackpot - up to ₱50,000,000!

Latest Sabong Betting Result

Sabong International MIDNIGHT EXPRESS MAY 05 2022
Sabong International MIDNIGHT EXPRESS MAY 05 2022
  1. Sabong Express 3/4-COCK DERBY ; MM 5-COCK DERBY MAY 04 2022
  2. Sabong International MIDNIGHT EXPRESS MAY 04 2022
  3. Sabong International A3 - NEGROS OCCIDENTAL 6 COCK DERBY PRE-FINALS MAY 03 2022
  4. Sabong Express 4-COCK DERBY MAY 03 2022

Where to bet: Tips & Tricks to Win in Online Sabong

Legitimate List of Casino Online Real Money
Legitimate List of Casino Online Real Money
  1. Online Casino in Philippines: Get Lucky and Win Big Prizes
  2. Start Playing on Online Casino Best Sites Now
  3. List of Casino Online with Real Money
  4. Come Play Online Casino Legit Games

Sabong International Online Betting - Here's What You Can Expect

WPC2027 Live Dashboard Login: The Future of Online Betting Game
WPC2027 Live Dashboard Login: The Future of Online Betting Game
  1. Know the Process for WPC2027 Live Dashboard Login
  2. Check Out the Latest WPC 2021 Schedule Today
  3. Stop E-Sabong
  4. E-Sabong Suspension Date

Online Sabong How to Register And Play

What Is WPC2027 Login Account?
What Is WPC2027 Login Account?
  1. The Suspension Of E Sabong 2022
  2. Updates On The Suspension Of E Sabong
  3. NEWS FLASH: Stop E Sabong
  4. One Of The Best: WPC2027 Register

Latest Sabong News

24 operator ng e-sabong, huli sa raid
24 operator ng e-sabong, huli sa raid
  1. E-sabong operators binabalahura si BBM
  2. Kontrobersiyal na PAGCOR logo pinaiimbestigahan sa Kamara
  3. Cattle rustlers & chicken thieves
  4. Walay problema uy!


Ibang level ang kabaliwan sa karelasyon; Aktor naka-silent mode pati sa mga kaibigan (Sabong News)

Ibang level ang kabaliwan sa karelasyon; Aktor naka-silent mode pati sa mga kaibigan
Author Cristy Fermin
Date JANUARY 14 2018
Hindi lang pala sa kanyang career dumistansiya ang isang popular na male personality. Kung kailan niya maiisip na balikan ang kanyang trabaho ay tanging siya lang ang nakakaalam. Pero kahit pala sa kanyang mga kaibigan ay naglagay din ng distansiya ang male personality, kinukumusta siya ng kanyang mga kaibigan at katrabaho, pero hindi siya sumasagot. Ang mundo ngayon ng sikat na aktor ay nakatutok sa mga kaibigan ng kanyang karelasyon, ang mga ito ang regular niyang ka-bonding, sila-sila ang magkakasama ngayon kahit saan. Kuwento ng aming source, “Nakakapanibago siya. Hindi siya ganyan dati. Palakumusta siya at nakikipagkita sa mga friends niya. Pero ngayon, nasa silent mode siya, wala siyang kinakausap na mga kaibigan. “Sana lang, e, maisip din niya na wala namang guarantee ang present situation niya. Siya pa naman, sawain ang taong ‘yun. Kapag ayaw na niya, basta ganu’n na lang! “Wala naman siyang ibang babalikan kundi ang family niya, ang career niya, sakaang mga kaibiganniya. Wala siyang ibang pupuntahan kapag nagkaroon ng problema ang relasyon nila ng babaeng mahal na mahal niya ngayon,”opinyon ng aming impormante. May mga nagsasabi naman na sinasamantala lang ng sikat na male personality ang kanyang pamamahinga ngayon. Puro trabaho lang kasi ang inatupag niya sa loob nang mahabang panahon. Kinontra ‘yun ng aming source, ang komento nito,“Kahit pa. Dati naman siyang nakikipagrelasyon pero hindi siya umabot sa ganyan na talagang pinabayaan na niya ang career niya. Bread and butter niya ang pag-aartista! “Showbiz ang nagpabago ng buhay niya, kaya dapat, ‘yung nagbigay sa kanya ng magandang kapalaran, e, ‘yun ang pag-ingatan niya. Sa panahong ito pa naman, ang dami-dami nang mga bagong mukha na sinusuportahan ang mga tao, nakakatakot ang mga ginagawa niya! “Alam niya naman sigurong walang forever, kaya dapat, e, timplahin niyang mabuti ang mga aksiyon na ginagawa niya. Huwag siyang lalayo sa buhay na kinagisnan niya, huwag siyang maglagay ng harang, para kapag naisipan niyang bumalik na, e, bukas pa rin ang mga pintuan para sa kanya!”bigay na bigay nang pagtatapos ng aming source. Inaabangan sana ng ating mga kababayan ang mangyayaring sabong sa pagitan nina AsecMocha Usonat ng nagmamarunong na siDJ Mo Twisterpero mukhang marunong nang pumili ng makakaaway ngayon ang dating singer-dancer. Tinawag na tanga at stupid asshole ng bastos na si Mo si Asec Mocha sa pagtawag niya ng Grand Nazarene sa Itim Na Nazareno sa halip na Black Nazarene. ‘Yun lang ang dahilan, agad nang pinagsalitaan nang masasakit ng mayabang na si Mo Twister si Asec Mocha Uson, na akala mo naman ay sobrang talino at perpekto nito na walang anumang pagkakamali sa buhay. Maraming umuurot kay Asec Mocha na patulan si Mo Twister, hamunin daw sana niyang umuwi sa bansa ang mayabang na personalidad, saka sila dito magtuos. Totoo naman kasing maangas at matalas lang ang dila ng bahagya nang tumaas sa gasul na si Mo Twister dahil nasa Amerika ito. Lahat ng mga nangyayari sa Pilipinas ay pinakikisawsawan nito, akalamo kung sinong makapagsalita, palibhasa’y nasa malayong lugar nga ito. Bakit kaya hindi umuwi si Mo Twister at saka dito ito magpalutang ng kanyang kaangasan? Pero hindi makauwi ang mayabang na personalidad, may sorpresang nakaabang sa kanya pagdating na pagdating nito sa ating bayan, ‘yun ang kanyang kinatatakutan. Sabi ng kaibigan naming propesor,“Ang gandang palabas sana para panoorin kung sina Asec Mocha at Mo Twister ang magsasabong! Matira ang matibay sa kanilang dalawa! “Pero tama na ring huwag nang patulan pa ni Mocha ang lalaking ‘yun na may dilang babae, sayang lang ang panahon niya, dahil laos na ang makakalaban niya! “Kaya nga sawsaw na lang nang sawsaw ang maangas na taong ‘yun, e, dahil wala na siyang career! Umuwi sana siya, saka dito siya magyabang, tingnan lang natin kung makahihirit siya!”inis na komento ni prop. Mismo!

write a review (Sabong News)