Okey, fine! (Sabong News)
Author
Abac Cordero
Date
JANUARY 24 2018
Suspension ang ipinataw ni OIC Willie Marcial kina Raymond Almazan ng Rain or Shine at Eric Camson ng Kia.
Nagkaroon kasi ng tupada sa Cuneta Astrodome nung Sabado.
Sa pula si Almazan at sa puti si Camson.
Hindi naman nagkapuruhan pero parehong tumapon ng suntok ang mga higante. Natural, thrown out sila sa laro na pinanalo ng Kia.
Ngayon, inaabangan nilang pareho ang hatol ni boss Willie.
Suspension at may kasama pang fine. Ke anuman ang pinagsimulan o sino ang nagsimula, pareho silang sumuntok.
Period.
Hanggang sa dugout, naghamunan pa ang dalawa. Mabuti na lang at may rehas na bakal sa pagitan nila. Kung hindi, baka doon na nagkaroon ng tunay na sabong.
Sigurado akong nagsisisi ang dalawa sa kanilang ginawa. Pero hindi naman pwedeng sorry lang ay kalimutan na.
May batas ang PBA at ito ang ipapairal ng kasulukuyang OIC o tumatayong commissioner na si Marcial.
Pwede na siguro ang one-game suspension.
Lakihan na lang ang fine.