3 tserman, 2 pa arestado sa iligal na sabong (Sabong News)
Author
Victor Martin
Date
MARCH 09 2018
SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Tatlong mga kapitan ng barangay ang binitbit ng pulisya kabilang ang dalawang iba pa matapos maaktuhan sa iligal na pagsasabong sa Barangay Manga, Aringay, La Union.
Kinilala ng pulsiya ang mga nahuling pinuno ng barangay na sina Wilson Apurado, 56, ng Barangay Macabato; Andres Mercado, 45, ng Barangay Sta. Cecilia; at Ricky Santiago, 44, ng Barangay Gallano sa nabangit na bayan.
Inaresto rin ng pulisya ang dalawang kasamahan ng mga ito na sina Joe Allan Ruiz, 44, residente ng Barangay Sta. Cecilia at Eduardo Frigilliana, residente naman ng Barangay Pangoa-aoan West, Aringay.
Nabawi ng pulisya sa mga suspek ang P10,700 halaga ng pamusta, 3 panabong na mga manok at ibat-ibang kagamitan sa pagsasabong.