Pauleen, malaki ang ipinayat! (Sabong News)
Author
Lolit Solis
Date
MAY 11 2021
Bongga ‘yung photos ni Pauleen Luna sa IVI Met collagen drinks.
Kitang-kita mo na pumayat at very sexy siya ngayon dahil nag-exercise nang todo during the pandemic kaya makikita mo sa katawan niya ang ang sakripisyo na ginawa niya.
Ang IVI Met collagen drink ay talagang iniinom niya after workout kaya naman tingnan mo na very healthy looking ang kanyang skin.
Iyon ang epekto ng collagen sa atin, pinagaganda nito ang ating balat na nagkukulang sa collagen habang tumatanda tayo. Eh ang sarap ngayon ng IVI Collagen dahil may iba’t iba na siyang flavors.
Tingnan n’yo ang energy nina Pauleen Luna at Gardo Versoza laging ang taas dahil sa pag-inom ng IVI Collagen drink ng Met.
‘Yung Excel Bright ni Dawn Salvador na ine-endorse ni Lorna Tolentino, ang mura pala ng retail price sa tindahan. Talagang malaking tulong sa mga mother ang detergent at sabon ng Excel Bright dahil grabe sa mura compared sa ibang sabon at detergent ha. At mabango siya sa damit kaya naman maganda ang amoy ng labada after using Excel Bright
Kaya naman pala gustung-gusto mong gamitin dahil ang laki ng tipid mo sa gastos, eh siyempre, pandemic ngayon kaya naman malaking bagay ito para sa mga nanay. Pati ‘yung product nila na panlinis ng kotse ang galing, dahil talagang hindi nakakasira ng pintura.