Pagcor makakasuhan kapag sinuspinde ang operasyon ng e-sabong (Sabong News)
Author
Gemma Garcia
Date
MARCH 05 2022
MANILA, Philippines — Nangangamba si Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) chair Andrea Domingo sa hirit ng mga senador na suspendihin ang operasyon ng e-sabong sa bansa dahil pwede silang makasuhan at malaki ang mawawalang kita ng gobyerno.
Anya, ang buwanang kita sa e-sabong mula Mayo hanggang Disyembre 31 ay mahigit P400 milyon, lumaki ito sa P640 milyon kada buwan mula noong Enero ng taong ito.
Posibleng masampahan din sila ng kasong legal sakaling pakinggan nila ang panawagan ng Senado na suspendihin ang lisensya ng mga kumpanya ng e-sabong dahil sa paglabag sa kontrata.
Sa ilalim ng kasunduan sa mga e-sabong operator, ang mga operator ay kailangang magbayad ng P2.5 milyon para sa lisensya, P75 million cash performance bond at P75 milyon minimum guarantee kada buwan.