PNP tukoy na ang mga person of interest sa pagkawala ng 26 sabungero (Sabong News)
Author
Doris Franche
Date
FEBRUARY 09 2022
MANILA, Philippines — Natukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang ilan sa persons of interest na iniuugnay sa pagkawala ng 26 sabungero sa iba’t ibang lugar.
Sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na nakakuha ng ebidensya ang Criminal Investigation and Detection Group partikular na sa CCTV footage.
Nakipag-ugnayan na rin ang mga imbestigador sa management ng mga tukoy na sabungan maging sa kanilang security personnel.
Sa report, apat na lalaki ang sinabing nawawala nang makiisa sa sabong sa Sta. Cruz, Laguna noong Enero 13.
Habang sa parehong araw, anim din ang nawawala na galing sa sabungan sa Maynila.
Bukod pa rito, 10 katao rin sa Bulacan ang walong buwan nang nawawala makaraang magtungo sa sabungan sa Sta. Cruz.