Senado mag-iimbestiga sa pagkawala ng 29 sabungero (Sabong News)
Author
Gemma Garcia
Date
FEBRUARY 18 2022
MANILA, Philippines — Nakatakdang magsagawa ng imbestigasyon ang Senado kaugnay sa pagkawala ng mga sabungero sa iba’t ibang lugar.
Ayon kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa, chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, maghahain siya sa susunod na linggo ng kaukulang resolusyon para mag-imbestiga ang Senado kapag patuloy na hindi mareresolba ang kaso ng pagkawala ng mga sabungero.
Ipabubusisi rin umano ni Dela Rosa ang nakakaalarma ng epekto ng sabong partikular na ang E-Sabong o online sabong sa buhay ng maraming Filipino na nagumon dito, gayundin umano ang epekto nito sa kapayapaan at kaayusan ng bansa.
Ang gagawing imbestigasyon ng Senador ay in aid of legislation o para sa paglikha, pagbasura o pag-amyenda ng mga batas.
Nauna nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na may halos 29 sabungero na ang dinukot at naglaho matapos manggaling sa sabong sa Laguna, Maynila at Batangas.
Tinitignan ng pulisya ang posibilidad na ‘double-cross’ ang motibo sa pagkawala ng mga sabungero.
Paliwanag niya sa ‘tyope,’ ang mga sabungero na tumataya sa manok ng kalaban sa halip na sa kanilang mga panabong.
Ang unang insidente ay sa Manila Arena noong Enero 14 at sinundan pa ng katulad na insidente sa Laguna, Batangas at Rizal.
Dagdag pa ni Ferro, may isang operator na umatras sa taya na P200 milyon at hindi na rin ito matagpuan.
Karamihan din aniya sa mga nawawala ay sangkot sa ‘online sabong.’ -