E-sabong, tinabla ni President BBM! (Sabong News)
Author
Non Alquitran
Date
SEPTEMBER 04 2022
Tinuldukan ni President Bongbong Marcos ang pagbabalik ng kontrobersiyal na sugal na e-sabong. Tinupad ni BBM ang pangako n’ya noong kampanya na hindi n’ya papayagan ang e-sabong dahil sa kaso ng 34 missing sabungeros. Hehehe!
May isang salita pala si BBM, ‘no mga kosa? Humahangos na nagreport ang kosa ko na nagmiting ang mga representante ng 11 off-site e-sabong operators at ang topic ay kung paano makumbinsi si BBM na pabuksan na ang negosyo nila na tumatabo ng bilyones. Nagkaroon din ng pagsuma kung magkano ang kikitain ng gobyerno ni BBM at lumabas na P3.2 bilyon kada buwan.
Subalit hindi nakapag-first base ang alok nila dahil tinabla kaagad sila ni BBM matapos makarating sa kanya ang plano ng mga ito. Eh di wow! Kahit kinakapos ng pondo ang gobyerno sa laban vs COVID, tinanggihan ni BBM ang bilyones na kita dahil ayaw n’ya ng patayan. Mismooooo!
Kung sabagay, ayaw talaga ni BBM ng patayan hindi lang sa e-sabong kundi maging sa kampanya laban sa droga at kriminalidad. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Pinatunayan lang ni BBM na ayaw ng pamilya Marcos ng patayan, di ba mga kosa? Tumpak! Hehehe! Anong sey n’yo mga kosa kong 14 milyon?Yari ako nito.
Isang kongresista ang mapusok na nagpupumilit na mapabuksan ang e-sabong at lumapit ito kay Justice Sec. Boying Remulla para magpatulong. Sinabi ng kosa ko na sinabihan ni Remulla si kongresista na magpasa sila ng batas sa Kongreso patungkol sa e-sabong para mailapit niya ito kay BBM. Ano pa ba ang bago rito? Kung hindi pulis ang gambling lord, aba karamihan sa kanila ay tongresista ....este kongresista, di ba mga kosa?
Hindi pa nga nag-umpisa ang deliberasyon ng e-sabong sa Kongreso eh sinibak na sila ni BBM. Goodbye e-sabong na talaga? Kelangan sigurong palakpakan natin si BBM dahil hindi pitsa ang nasa isipan niya kundi ang kapakanan ng sambayanang Pilipino. Siyempre, dahil bilyones ang kinikita sa e-sabong, hindi magpapahinga ang mga financiers o operators nito na gumawa ng paraan para mapabuksan sila. Mismooooo!
Kung ano man ang sistema na paiiralin nila tiyak mamo-monitor din, di ba mga kosa? Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaa!
Hindi naman nagpapahinga si CIDG director Brig. Gen. Ronald Lee para tuklasin ang “Lihim ng Guadalupe”, ‘yan nga ang mastermind sa kaso ng missing sabungeros. Nais ni Lee na makakalap ng matibay na ebidensiya para hindi maligwak ang kaso na isasampa nila sa korte laban sa nasa likod ng kaso.
Sa totoo lang, alam na ng mga sabong afficionados kung sino ang mastermind sa kaso subalit puro circumstancial evidence lang ang hawak ng kapulisan. Get’s n’yo mga kosa?Hak hak hak! The truth shall prevail, di ba Sir Lee?
Dapat palaging takpan ni BBM ang kanyang taynga para maiwasan ang mga bulong na makapagpapabago ng desisyon niya vs e-sabong. Abangan!