President BBM, niloloko ng may-ari ng sabungan! (Sabong News)
Author
Non Alquitran
Date
SEPTEMBER 13 2022
KUNG hindi pinahintulutan ni President Bongbong Marcos ang e-sabong, bakit ang lahat ng sabungan sa Pinas ay may mga nakakabit na camera? Ano ang hiwaga nito? Niloloko lang ng bigtime breeders o may-ari ng sabungan si BBM? Dapat lang sigurong ipasilip ni BBM sa Philippine National Police o sa National Bureau of Investigation ang sistemang ito sa mga sabungan dahil maliwanag pa sa sikat ng araw napinaiikutanlang ang kautusanniyangwalisinang e-sabong sa Pinas.
Siyempre, kung walang e-sabong saan tumataya ang mga parukyano ng mga sabungan na may camera? Baka sa abroad binabato o pini-feed ng camera ang labas kada sultada?Puwede, di ba mga kosa?
Sa sistemang ito, kumikita ng limpak-limpak na salapi ang mga may-ari ng sabungan at ang ninakawan nila ay ang gobyerno ni BBM. Bakit? Hindi sila nagbabayad ng tax, pati na ang franchise fee at higit sa lahat ng lingguhang intelihensiya. Araguuyyyyy! Hak hak hak! Sa sistemang ito, ang lubog o nalulugi ay ang mga breeders dahil laban ng laban ang manok nila subalit walang inaasahang premyo o pot money ‘di tulad sa e-sabong.Dipugaaaaa!
Sinabi ng mga kosa ko na umaabot sa P230,000 ang presyo nitong set ng camera na may kasamang tripod, lens at iba pa kung saan maliwanag pa sa TV sets ang visual nito. Kaya kumikita rin ang source nitong camera dahil hindi naman biro kung ilang sabungan mayroon sa Pinas ang kinakabitan nito.
Ayon sa kosa ko, nakakabit ang camera sa isang sulok ng sabungan na kung kalimitan ay hindi namamalayan ng kahit sabong afficionado. Malinaw ang kuha ng camera na, ayon sa mga kosa ko, ay sa abroad pinalalabas ang laban ng mga manok. ‘Ika nga hindi sa Pinas ang target nilang mananaya dahil ayaw talaga ni BBM ng e-sabong dahil sa kaso ng 34 missing sabungeros. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Anong sey n’yo mga kosa?
Sa kasalukuyan, narito sa Pinas ang mga marketing arm ng sabong financiers na taga-Malaysia, Vietnam, Cambodia, Singapore at Hong Kong para makipag-tie up sa mga may-ari ng sabungan na may camera, ayon sa mga kosa ko. Ang offer nila ay P12,000 per fight na mai-feed sa kanilang site sa abroad. Dipugaaaaa! Bahala na silang mag-provide ng gadget kung saan ang mga adik sa sabong sa bansa nila ay puwedeng tumaya.
Kung may 300 sultada kada araw sa isang sabungan, maliwanag na P3.6 milyon ang kikitain ng may-ari nito kapag nakipag-tie up sila sa mga banyaga. Eh di wow! Hak hak hak! Dapat kumilos kaagad si BBM para matigil ang hayagang pagnanakaw ng mga may-ari ng sabungan sa kaban ng gobyerno. Araguuyyyyyy! Abangan!