Carla ipinagdasal matigil na sabong (Sabong News)
Author
Sherrylou Nemis
Date
APRIL 28 2022
Kilala si Carla Abellana bilang isa sa mga artista na advocate ng animal welfare.
Sa Instagram story, ibinahagi ni Carla ang larawan ng pinapanood na balita tungkol sa sabong.
Sinabi rin niya na isa sa kanyang mga pinagdarasal ay ang matapos na ang sabong sa pagitan ng manok at iba pang uri ng mga hayop.
Aniya, malabong tao ang magpapatigil sa sabong kaya ipinagpapasa-Diyos na lamang niya ito.
“Dear Lord, sana po mawala na ang sabong ng anumang hayop. Malabo pong mangyaring tao po ang gagawa ng malaking pagbabagong ito, kaya sana po ay Kayo na po ang gumawa ng paraan,” pahayag nito sa IG story.