Juliana Parizcova Segovia slams expose’ of his P300K debt (Sabong News)
Author
Robert Requintina
Date
MARCH 24 2022
Comedian Juliana Parizcova Segovia cried foul on social media after critics exposed his P300,000 debt brought about by the pandemic and his mother’s personal information.
In an official statement on March 24, Juliana hit the people behind the smear campaign, which was being hyped, due to his political leaning.
While he can still accept personal criticisms, Juliana said that it is deplorable that his family is being dragged into the controversy.
Juliana is identified with Uniteam of presidential aspirant Bongbong Marcos and his running mate Sara Duterte. He has appeared in videos critical of Uniteam’s rival candidates.
The comedian said that he’s not ashamed of his financial debt, adding that Viva Films has been religiously deducting a portion of his salary to settle his loan.
:
His full statement:
“OFFICIAL STATEMENT about a posted conversation
“Magandang gabi po sa inyong lahat, bagamat ang inyong lingkod po ay hindi na naaapektuhan ng kaliwa’t kanang pang-aalipusta mula nang ako ay nagpahayag ng pagsuporta sa #Uniteam at lumabas sa mga viral videos ng #Vincentiments.
“Ako po ay nagpasyang huwag palampasin ang isyung ito dahil sa mga teknikalidad na bumabalot at nakakabit sa post na walang ibang layon kundi ang ako ay ipahiya.
“Hindi ko po ikinahihiya na simula noong pandemic, ang akin pong pamilya ay nabaon sa utang dahil sa kawalan ng pinagkukuhanan ng panggastos bunga ng kawalan ng trabaho; kasabay po nito ay hindi ko rin masingil ang mga taong nagkakautang din sa akin dahil pare-parehas po tayo ng pinagdadaanan,Ikinahihiya ko po ba ang yugto ng buhay kong ito? Hindi po.
“Alam kong halos lahat, kundi man lahat ay tunay na pinadapa ng pandemya. Ikinararangal ko pong hindi ang pagsama ko sa Uniteam ang dahilan kaya ako nakapagbayad sa iilan, hindi ko rin idedeny at alam ito ng Viva, na ang sweldo ko po sa mga pelikula ay derechong nakabawas sa lahat ng mga ito.
“Gayunpaman, kalabisan na siguro na hindi man lamang binura ang pangalan ng aking ina at kanyang personal na numero ng telepono; at ngayon ay hindi pinatatahimik ng mga kaugali ng nagpost laban sa akin; hindi lamang traydor kundi walang modong piniling ipaalipusta ang malungkot na bahagi ng buhay ng isang tao at lapastanganin ang kanyang ina; para lamang makaganti, dahil hindi kayang tapatan ng content ang content ng kaibigang minsang naging mabuting tao sa kanila at nagkataon lamang na magkaiba ang pulitikal na desisyon.
“Ako po ay nagtatrabaho. Ako po ay Pilipino, may kalayaan at karapatan at hindi kayang sirain ng mga hakbang ng mga taong matagal nang sinira ang kanilang sarili, sa ngalan ng inggit, galit at kawalan ng batong maipukol sa gusto nilang masaktan.
“Magandang Gabi po muling, lalo na sa mga makakaharap ko sa darating na mga araw. Salamat. FYI: 2021 ang convo na yan.”