Operasyon ng sabungan papayagan sa Alert level 2 na lugar — IATF (Sabong News)
Author
Sherrylou Nemis
Date
DECEMBER 15 2021
Pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force ang operasyon para sa tradisyunal na sabong sa ilang lugar na nasa ilalim ng Alert level 2.
Ayon sa guidelines ng IATF, 50 porsyento ng indibidwal lamang ang maaring pumasok sa mga sabungan.
Dagdag pa riyan, kinakailangang fully vaccinated ang mga trabahador sa mga sabungan.
Sabi pa ng IATF na dapat umano ay cashless na ang pagtaya.
Pinaalalahanan din ng IATF ang mga lokal na pamahalaan na siguraduhing nasusunod pa rin sa mga sabungan ang minimum public health standard kagaya ng pagsusuot ng facemask at physical distancing.