Manunugal utas sa gulpi ng mga bodyguard ni Atong Ang (Sabong News)
Author
Lordeth Bonilla
Date
SEPTEMBER 21 2017
MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 35-anyos na lalaki matapos na pagtulungang gulpihin ng mga umano’y bodyguard ng isang alyas Atong Ang sa banyo ng Resorts World Manila sa Pasay City, kamakailan.
Ang nasawi ay kinilalang siBenjamin Quijano Jr., nakatira sa #12 Talisay St., Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
Inaalam pa ng pulisya ang pangalan ng mga bodyguard ng alyas Atong Ang.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen mula alas-9:40 ng gabi (Setyembre 18) hanggangalas-5:30 ng umaga (Setyembre 19) sa loob ng comfort room ng Newport Performing Arts Theater ng nasabing casino hotel.
Sa salaysay ng misis ng biktima na si Josephine, 45 sa pulisya, nakatanggap siya ng tawag sa telepono mula sa kaibigan ng kanyangmister na si “alias Cezar” na ginulpi ang kanyang mister ng mga body guard ng isang “alias Atong Ang” dahilhindi ito makabayad sa utang na P30,000 sa sabong.
Agad na pinuntahan ni Josephine kasama ang kanyang 17-anyos na anak na babae sa hotel casino at pagdating doon ay sinabihan ng isa sa mga body guard ni Ang na hindi ito nagbayad ng kanyang utang.
Ayon pa sa ginang, binawalan siya na makita ang mister ng isang bodyguard hangga’t hindi nito nababayaran ang utang.
Dakong alas-5:30 ng umaga nang dumating siAng sa lugar at inutusan ang kanyang mga body guard na mula sa comfort room na dalhin sa isang kuwartoang biktima at dito nakita ni Josephine ang lupaypay naasawa.
Agad itong tumawag ng taxi at dinala sa ospital, subalit idineklara itong dead-on-arrival.