Parak na sugarol timbog sa sabungan (Sabong News)
Author
Raymund Catindig
Date
DECEMBER 31 2019
TUGUEGARAO CITY,Cagayan, Philippines — Bagsak kalaboso ang isang miyembro ng pulisya na nakatalaga pa naman sa opisinang nagtuturo at naghuhubog ng magandang asal sa kanilang mga kabaro matapos mahuli sa loob ng isang sabungan saBrgy. Leonarda, Tuguegarao City, Cagayan noong Linggo.
Kinilala ni City Chief of Police Colonel George Cablarda ang natiklong kabaro na si Staff SergeantRicardo Bucayu, 36, na kasapi ng Regional Learning Development Doctrine Division (R8) ni Police Regional Director Brig. General Angelito Casimiro.
Nabatid na nagsagawa ng maigting na pagmamanman ang Enforcement Monitoring Team ng pulisya kay Bacayu dahil sa mga impormasyong pagkalulong nito sa sugal na sabong na mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang“PNP Internal Cleansing Strategy”na adhikain hanggang malambat siya sabakuran ng Dupaya Cockpit arena dakong alas-2:30 ng hapon.