E-sabong naungusan ang POGO sa pagbabayad ng buwis (Sabong News)
Author
Mer Layson
Date
AUGUST 30 2021
MANILA, Philippines — Inamin ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na tinalo na ng e-sabong ang POGO operations pagdating sa pagbabayad ng buwis.
Sinabi ni PAGCOR Chairman Andrea Domingo, na maraming mga online casino o POGO ang nagsara ngayong pandemic kaya’t nag-alala sila kung saan na kukuha ng revenue na kailangang-kailangan pa naman ng bansa bilang pantustos sa mga kailangan ng pamahalaan para labanan ang COVID-19.
“Pero, nang magsimula ang e-sabong nitong Mayo ng kasalukuyang taon ay kumita sila ng nasa P3.5 bilyon,” ani Domingo.
Anya, nasa P350 milyon hanggang P400 milyon kada buwan ang kinikita ng PAGCOR sa online sabong.
Unang nag-apply at naaprubahan ng permit to operate ng PAGCOR ang Lucky 8 Star Quest Inc. na siyang nagpapatakbo ngayon ng Pitmaster Live na pag-aari ni Charlie “Atong” Ang.