Sabongonlinegame Recommendation

Color Game Grand Jackpot - up to ₱50,000,000! Color Game Grand Jackpot - up to ₱50,000,000!
Triple the Colors, Triple Your Fortune! Match all three colors to win up to 20x your bet or increase your chances of hitting the ultimate Jackpot! Triple the Colors, Triple Your Fortune! Match all three colors to win up to 20x your bet or increase your chances of hitting the ultimate Jackpot!
Deposit P100, Bet, and Draw! At Casino Plus, match 3 symbols for your chance to grab a whopping P1,000,000! Let the games begin! Deposit P100, Bet, and Draw! At Casino Plus, match 3 symbols for your chance to grab a whopping P1,000,000! Let the games begin!

Latest Sabong Betting Result

Sabong International MIDNIGHT EXPRESS MAY 05 2022
Sabong International MIDNIGHT EXPRESS MAY 05 2022
  1. Sabong Express 3/4-COCK DERBY ; MM 5-COCK DERBY MAY 04 2022
  2. Sabong International MIDNIGHT EXPRESS MAY 04 2022
  3. Sabong International A3 - NEGROS OCCIDENTAL 6 COCK DERBY PRE-FINALS MAY 03 2022
  4. Sabong Express 4-COCK DERBY MAY 03 2022

Where to bet: Tips & Tricks to Win in Online Sabong

Legitimate List of Casino Online Real Money
Legitimate List of Casino Online Real Money
  1. Online Casino in Philippines: Get Lucky and Win Big Prizes
  2. Start Playing on Online Casino Best Sites Now
  3. List of Casino Online with Real Money
  4. Come Play Online Casino Legit Games

Sabong International Online Betting - Here's What You Can Expect

WPC2027 Live Dashboard Login: The Future of Online Betting Game
WPC2027 Live Dashboard Login: The Future of Online Betting Game
  1. Know the Process for WPC2027 Live Dashboard Login
  2. Check Out the Latest WPC 2021 Schedule Today
  3. Stop E-Sabong
  4. E-Sabong Suspension Date

Online Sabong How to Register And Play

What Is WPC2027 Login Account?
What Is WPC2027 Login Account?
  1. The Suspension Of E Sabong 2022
  2. Updates On The Suspension Of E Sabong
  3. NEWS FLASH: Stop E Sabong
  4. One Of The Best: WPC2027 Register

Latest Sabong News

24 operator ng e-sabong, huli sa raid
24 operator ng e-sabong, huli sa raid
  1. E-sabong operators binabalahura si BBM
  2. Kontrobersiyal na PAGCOR logo pinaiimbestigahan sa Kamara
  3. Cattle rustlers & chicken thieves
  4. Walay problema uy!


Raket ni Alcoreza, di totoo? (Sabong News)

Raket ni Alcoreza, di totoo?
Author SUPALPAL!
Date AUGUST 08 2017
PUTOK na pala sa lahat ng sulok ng Manila City Hall ang raket ni MTPB chief Dennis Alcoreza at mukhang si Mayor Erap Estrada na lang ang hindi nakaaalam. Kapag may huli pala ang taga-MTPB, ang mga nabiktima nila ay lumalapit sa mga empleado ng City Hall na kamag-anak o kakilala nila at minsan buwenas silang nakalibre o nakatawad subalit may sumesemplang din sa kanila. Paano kasi, umaabot pala sa P3,500 ang babayaran na multa ng mga may-ari ng nahila na sasakyan kaya masakit ito sa bulsa ng mga Manileño lalo na ang tinatawag na middle class, di ba mga kosa? Minsan may iniisyu na resibo at sa kaban ng City Hall ito napupunta subalit kadalasan munting papel na may pangalan ng may-ari ng sasakyan at halaga ng binayaran nila ang nakalagay dito at ito ang raket ni Alcoreza, ‘yan ay ayon pa sa mga kosa ko. Hindi lang ang mga empleado ang nalalapitan ng mga may-ari ng mga nahatak na sasakyan kundi maging ang 37 konsehal, kasama na ang taga-Liga ng mga Barangay. Siyempre, ang mga konsehal ay susulat lang kay Alcoreza para mailabas ang sasakyan ng mga kamag-anak o constituents nila at pinagbibigyan naman lalo na ang 24 na miyembro ng majority. Subalit ang 13 minority councilors ay pinapapirma na lang sa mga empleado nila sa pangambang baka magamit itong sulat laban sa kanila sa hinaharap na elections dahil maliwanag na utang na loob nila ‘yan, di lang kay Erap kundi maging kay Alcoreza, di ba mga kosa? Hak hak hak! Kung kalat na sa City Hall ang panghaharabas ng mga tauhan ni Alcoreza, bakit bulag, pipi at bingi rito si Erap? Tanong lang po! Subalit ang pagpahirap ng MTPB ni Alcoreza sa Manileño ay magtatapos din dahil sa pagdeklara ni dating Manila Mayor Alfredo Lim na haharapin niyang muli si Erap sa 2019 local elections. Matatandaan na mahigit lang 2,000 boto ang nagpanalo kay Erap nang nakaraang elections kaya kapag nag-tandem sina Lim at dating Manila Mayor Lito Atienza, aba baka may tulog si Erap, di ba mga kosa? Siyempre, kapag natsugi si Erap, unang tatakbo si Alcoreza at matutuldukan ang raket niya hindi lang sa MTPB kundi maging ang pasugalan niya sa Tondo na kung tawagin ay Little Las Vegas dahil sa andun na ang sabong, cara y cruz at iba pang sugal. Get’s mo MPD director Chief Supt. Jigs Coronel Sir? Hak hak hak! Hindi lang pala wrecker, at vendor ang pinagkaperahan ni Alcoreza kundi maging sa sugalan. Kaya ngayon, nagsasagawa na ng loyalty check si Erap sa mga majority councilors dahil sa halos lahat sa kanila ay nanilbihan din kay Lim noong nasa poder pa siya. Kapag tumiwalag pa kasi ang mga majority councilors kay Erap at sumama sa minority, aba baka mabura ang tsansa ni Erap na makuha ang 3rdand last term niya. Kaya halos araw-araw, nakikita ng mga kosa ko na paisa-isang pumapasok at lumalabas sa kuwarto ni Erap ang majority councilors. Boom Panes! Hak hak hak! Alam n’yo naman mga kosa uso ang lipat-bakod sa pulitika. Tumpak! Sinabi naman ni Sadam Abdul Salem na hindi lahat ng akusasyon laban kina Erap at Alcoreza ay totoo. Ayon kay Sadam, hulog ng langit si Alcoreza sa taga-Maynila dahil naayos nito ang trapiko. Hehehe! Pr kaya ni Alcoreza itong si Sadam o troll? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hindi lang ‘yan! Kung tungkol naman sa vendors sa Divisoria ay matagal na itong isyu, ayon kay Sadam, at maaring idinadawit lamang si Alcoreza ng sindikato upang pabagsakin siya. Nais ding iparating ni Sadam sa Manileño na bawal na ang pedicab at tricycle sa mga national roads ayon sa Ordinance No. 8092 kaya nahuhuli sila. Di naman sinagot ni Sadam kung bakit kapiranggot na papel lang ang iniisyu ng MTPB sa mga nahuhuli nila at kung kaninong bulsa napupunta ang pitsa. Ayon kay Sadam, ‘wag agad husgahan si Alcoreza at hindi ko naman ito kilala. “Baka isa ka rin sa mga nakikinabang sa mga proyekto ni Erap,” ayon pa kay Sadam. Hehehe! Kosang Sadam, wala namang personalan dito at nag-ugat ang mga sinusulat ko sa mga reklamo. Kung nasasaktan ka Sadam, sori po! Hak hak hak! Bahala na kayong maghusga kay Sadam mga kosa! Abangan!

write a review (Sabong News)