Sabongonlinegame Recommendation

Ang isa sa pinakasikat na laro ay nagbabalik na! Pumunta lamang sa casinoinmanila.com upang malaman ninyo ang lahat ng detalye na kailangan niyo malaman bago niyo simulan ang paglalaro sa mga sikat na online casino ngayon. Ang isa sa pinakasikat na laro ay nagbabalik na! Pumunta lamang sa casinoinmanila.com upang malaman ninyo ang lahat ng detalye na kailangan niyo malaman bago niyo simulan ang paglalaro sa mga sikat na online casino ngayon.
Bạn sẽ tìm thấy những trò chơi chất lượng cao và thú vị cùng với 500 bài đánh giá chi tiết về tất cả các sòng bạc trực tuyến tuyệt vời đang chờ đợi bạn trên topvietnamcasinos.com! Bạn sẽ tìm thấy những trò chơi chất lượng cao và thú vị cùng với 500 bài đánh giá chi tiết về tất cả các sòng bạc trực tuyến tuyệt vời đang chờ đợi bạn trên topvietnamcasinos.com!

Latest Sabong Betting Result

Sabonginternational A6 - MISAMIS ORIENTAL INTERNATIONAL SLASHERS CUP 2022 3-STAG/COCK DERBY JANUARY 27 2022 Sabonginternational A6 - MISAMIS ORIENTAL INTERNATIONAL SLASHERS CUP 2022 3-STAG/COCK DERBY JANUARY 27 2022
  1. Sabongexpress 4-COCK DERBY ; 5-COCK ANNIVERSARY DERBY JANUARY 27 2022
  2. Sabonginternational A13 - SOUTH MINDANAO ALL STAR 6 COCK/STAG DERBY - 3 COCK/STAG ELIMS JANUARY 27 2022
  3. Pitmaster Live PITLIVE BLUE & WHITE 6-STAG DERBY, BATTLE OF THE BIG BOYS 6-STAG SUPER BIG EVENT JANUARY 27 2022
  4. Sabonginternational A1 - NEW BASAY COCKPIT 2 WINS COCK/STAG DERBY TIMBANGAN JANUARY 26 2022

Where to bet: Tips & Tricks to Win in Online Sabong

Legit Online Sabong Website: Only Trust the Best Legit Online Sabong Website: Only Trust the Best
  1. Here Are Some Of The Basics Of How To Win Sabong
  2. Few of the Best Online Sabong Tips To Win
  3. Online Sabong Tips
  4. Here Are Some Easy Online Sabong Tricks 90% Win

Sabong International Online Betting - Here's What You Can Expect

Online Sabong App Free Download: Stay Winning Online Sabong App Free Download: Stay Winning
  1. Watch WPC 2021 Sabong Live Games
  2. Sabong Games Apk: Play Wise, Win More
  3. Online Sabong Download App: We are the Big Winners
  4. Online Sabong Live App Download: OnlyWins

Online Sabong How to Register And Play

Understanding Internationalsabong Understanding Internationalsabong
  1. MBC2030 live sabong live today: Watch Sabong Games Now
  2. Focusing On Sabong International Reseller App
  3. MBC 2030 Live Sabong: A Sabong Online Website
  4. Talpakan Online Sabong Registration Updates

Latest Sabong News

Jade SportsBet: Game-changing bonuses and exotic jackpots Jade SportsBet: Game-changing bonuses and exotic jackpots
  1. 5 kelot dumayo Batangas para sa sabong, naglaho
  2. Philippines: Two Christian groups join forces against casino in Opol
  3. Leyte town opposes e-sabong
  4. Solons call on government to fast track response vs Omicron


‘Birthday song na malungkot’ (SABONGONLINEGAME)

‘Birthday song na malungkot’
Author Tony Calvento
Date JUNE 03 2014
NAGSIMULA sa isang magandang awit, nawalay at naligaw hanggang sa nawala sa tono. Sa isang ‘duet’ na kanta sa videoke nagsimula ang kwento nila “Vi” at “Joeman”. “Kinanta namin ang ‘Sometimes when we touch’ nang makasama kami sa isang birthday. Parehong araw nagpaalam na siya sa ate ko kung pwede akong ligawan,” pag-alala ni Vi. Nagsadya sa aming tanggapan ang 43 anyos na si Vilma Galuno o “Vi” ng Navotas. Nirereklamo niya ang asawang si Joeman Galuno, 47 anyos--‘seaman’. “May nakita akong sulat­ sa bulsa ng pantalon na pinangkasal namin. Sulat niya yun sa biyenan ko. Nakalagay dun na may asawa siya pero wala pa silang anak. Nun ko lang nalamang may nauna na pala sa’kin,” ani Vi. Laking Bangkal, Makati si Vi. Nakapagtapos siya ng BSBA, Major in Accounting sa UE, Caloocan. Naging abala sa pagtatrabaho si Vi. Inakala niya nga daw na tatanda na siyang dalaga hanggang makilala niya si Joeman nung 1998. Nung mag-birthday ang kaopisina ng ate niyang si Beth, inimbitahan nila si Vi. Dito sila unang nagkita ni Joeman na kumpare pala niya sa anak ni Beth. Pinasundo ni Beth si Joeman sa SM North para isabay nila Vi papuntang Bulacan. Kababa lang niya ng barko nun. Nagkantahan sila, nag-duet ng isang kanta…pag-uwi nalaman na lang ni Vi na kinausap ni Joeman ang kanyang kapatid at nagpaalam ng manligaw. “Kinilig ako nun. Nagustuhan ko rin kasi siya,” sabi ni Vi. Tuwing linggo binisita siya ni Joeman sa kanilang bahay. Ilang buwan ang lumipas naging sila. Sumakay ng barko ito at matagal na hindi nagpakita. Ilang taon ang lumipas, nagplano sila Vi na magpakasal na. Kinausap ni Joeman ang kuya ni Vi. “Gusto na nga namin magpakasal kaso wala pa kaming pera,” sabi daw ni Joeman. Diretsong sagot ng kapatid, “ ‘Di pa pala kayo ready. Eh, ‘di paghandaan niyo yan.” Minasama daw ni Joeman ang sinabi ng kapatid ni Vi. Nagalit ito at hindi na nagpakita. Tuluyan silang naghiwalay ni Joeman. Matapos ang ilang taon biglang nagpakita si Joeman sa kanya. “Yung plano nating kasal tuloy na natin pagbalik ko…” sabi daw nito. Kinabukasan, sumampa ulit ng barko si Joeman. Inasikaso ni Vi ang pagpapakasal nila. Pagbalik niya ng Pinas tuloy ang kasalan sa San Ildefonso Church, Makati nung Enero 31, 2004. “Magarbo ang kasal naming umabot sa Php500,000 ang gastos. Ang 380K inutang lang namin sa mga magulang ko,” ayon kay Vi. Pebrero buntis agad si Vi. Nung panahong ito nagbakasyon sila sa Iloilo sa mga magulang ni Joeman. Aminado si Vi na madalas nila takbuhan ang mga magulang. Umutang daw muli si Joeman sa ina’t ama ni Vi para ipambayad sa lupang kinuha nila sa Northfield Executive Village, Bulacan. Halagang Php300,000. Unang buwan ng pagsasama nila napansin na ni Vi ang pagkahilig nito sa sugal… sabong ang laro niya. “Wag daw pakialamanan ang bisyo niya may budget siya para dun,” sabi ni Vi. Unti-unti na din daw pumangit ang kanilang relasyon. May kakaibang ugali din daw ang asawa. “Ang paniniwala niya kasi dahil siya ang kumikita dapat pagsilbihan siya. Ayaw niya inuutos sa katulong namin gusto niya ako,” dagdag ng misis. Pitong taon ang kanilang anak ng umalis na lang daw si Joeman at walang katiyakan kung kelan babalik. ‘Di daw ito unang beses nangyari, nasundan pa ito. “Ang anak ko hindi man lang niya lambingin kaya tuloy takot ang nararamdaman ng aming anak tuwing nakikita siya,” ayon sa ina. Natuto rin daw mambabae ang kanyang asawa. Pati daw kasambahay nila pinatos umano nito, ayon kay Vi. Nung minsan, inaayos niya ang mga damit ni Joeman, nakita niya sa bulsa ng pinangkasal nila ang isang sulat. Dito nalaman ni Vi na may ibang asawa si Joeman. Kinumpronta niya ang mister. “Wala yan, ‘di ligal yan. Inayos na ng tatay yan,” paliwanag ni Joeman. Para makasigurado, kumuha ng CENOMAR (Certificate of No Marriage) sa NSO si Vi. Dito lumabas na kasal si Joeman ng dalawang beses. May nauna na pala itong kasal nung Ika-13 ng Desyembre 1988 kay Dahlia Alonsagay Cabungcal sa Jordan, Iloilo. Habang kasal naman sila ni Vi nung ika-31 ng Enero 2004 sa Makati City. Kinausap ni Vi ang asawa sa telepono at pinadala pa ang kopya ng CENOMAR. Matigas na sabi pa daw ni Joeman, “Ah pumasok ba? ‘Wag mo ng intindihin yan, nanahimik na yang misis ko.” Pinalamapas ni Vi ang natuklasan. Taong 2013, balak na naman daw silang layasan ni Joeman sa pangatlong pagkakataon kaya’t naisip na ni Vi na kasuhan ng Bigamy ang asawa. Nagkaroon ng pagdinig ang kasong ito sa Prosecutor’s Office, Makati. Nailabas ang resolution ng kaso ni Sr. Asst. City Pros. Hannibal V. Santillan. Nakitaan ng probable cause ang kaso para maiakyat sa Korte. Ika-10 ng Marso 2014, naglabas ng Warrant of Arrest si Judge Elpidio R. Calis ng RTC, Makati, Branch 133 para kay JOEMAN G. GALUNO sa kasong Bigamy. Ang itinakdang piyansa 24,000Php. Sa ngayon nasa labas ng bansa itong si Joeman at kahilingan ni Vi mapauwi ito at harapin ang kanyang kaso. Huling balita ni Vi binabahay umano ni Joeman ang pinsan ng kanyang kumare, katapat lang ng kanilang bahay. Nakilala niya ang babaeng si “Mahal”. Itinampok namin siya sa CALVENTO FILES sa radyo. Ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT” ng DWIZ882KHZ(Lunes-Biyernes mula 2:30-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN). SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, hindi basta pwedeng damputin itong asawa ni Vi. Kailangang hilingin sa Judge na ipag-utos sa Department of Foreign Affairs (DFA), Consular Affairs Division ang pagkansela ng pasaporte nitong si Joeman. Kapag nagawa na nila ito si Joeman ay magiging ‘undocumented alien’ at susunod na dun ang i-deport siya pabalik sa Pilipinas. Tutulungan namin siya sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan kay Assec. Wilfredo Santos, hepe ng Consular Affairs ng DFA. Inirefer din namin siya sa Department of Justice Action Center (DOJAC) kay Director Perla Duque. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. Mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. Landline 6387285/ 7104038.

write a review (SABONGONLINEGAME)