Ex-Vice Governor ng Abra, utas sa tandem (Sabong News)
Author
Mer Layson
Date
JUNE 10 2017
MANILA, Philippines - Niratrat ang dating Bise Gobernador ng Abra habang nasugatan naman ang dalawang iba pa matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin na lulan ng motorsiklo sa isang sabungan sa lungsod ng Marikina nitong Sabado ng madaling araw.
Kinilala ni Eastern Police Director, Chief Supt Romulo Sapitula angnasawing biktima na si dating Abra Vice Governor Rolando Daet Somera, 62, nakatira sa #28 Philip St., Vista Verde, Executive Village, Cainta Rizal.
Si Somera ay agad na nasawi sapinangyarihan ng insidente habang ang dalawang kasamanito ay sugatangginagamot ngayon sa magkahiwalay na hospital ay sina Reynaldo de Luna, 46 at Wilfredo Apaliso.
Sa imbestigasyon ng Marikina police, nabatid na ang krimen ay naganap dakong ala-1:10 ng madaling araw sa San Roque Cockpit Arena na matatagpuan sa Brgy San Roque ng lungsod. Ayon sa report, katatapos langdumalo sa derby o sabong ang mga biktima at habang papalabas ng cockpit arena noong abangan sila ng riding in tandem at malapitansilang pagbabarilin.
Nagtamo ng maramingtama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang dating bise gobernador na siyang dahilan ng kanyang on-the spot na kamatayan. Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng pulisya ang motibo ng krimen.