Viral online rant na may 320m views, serye na (Sabong News)
Author
SHOW-MY
Date
MARCH 29 2021
Pagkatapos nang magkasunod na tagumpay ng kanyang dalawang pelikula, ang Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar at Tililing hahataw ulit ang controversial director na si Darryl Yap para na naman sa isang Vivamax Original, ang Kung Pwede Lang. Pinagbibidahan ito nila Carlyn Ocampo, member ng international group na Z-Girls at si Rosanna Roces, fresh mula sa Paglaki...
Mula sa viral online rant series ng Vincentiments na likha rin ni Darryl Yap at umabot na sa 320 million ang total views, ang Kung Puwede Lang ay tungkol sa pamilya Panting, isang pamilyang punung-puno ng buhay. Lalo na si Precious (Carlyn Ocampo), ang middle child, breadwinner at “Yes Girl” na masyadong mabait at hindi kayang tumanggi sa kahit anong hilingin sa kanya ng kanyang pamilya.
Pero hanggang kailan niya kayang magbigay at magtrabaho para sa kanyang pamilya? Hanggang kelan niya kukumbinsihin ang kanyang sarili na ok siya?
Ang pamilya ni Precious Panting ay sina Princess (Rosanna Roces), ang problemadong ina; si Paquito (Dennis Padilla), ang tatay na mahilig sa sabong; si Lola Baby (Dexter Doria), ang lolang mainitin ang ulo; si Prince (Bob Jbeili), ang panganay na walang trabaho; at si Penelope (Loren Mariñas), ang bunsong kapatid.
Sa 8-episode series, malalaman natin ang mga hassle sa buhay ni Precious at ng buong pamilya Panting, na alam na alam natin at totoong makaka-relate tayo.
Ang online KPL shorts ay naging viral at pinag-uusapan dahil madami ang nakaka-relate sa bawat kuwento.
Exclusive itong mapapanood sa Vivamax simula Abril 9.