8 sabungero inaresto sa tupada (Sabong News)
Author
Doris Franche
Date
MARCH 25 2021
MANILA, Philippines — Nadakip ng pulisya ang walong sabungero nangsalakayin ang isang tupadahan sa Caloocan City, kamakalawa.
Kinilala ang mga naarestong suspek na si Erwin Icaranom, 31; Ruel Genabia, 50; Rominick Claro, 30; John Lester Adriano, 20; Roy Ellanic, 40; Jerome Santos, 20;Arman Fuentes, 22; at Alfredo Siko, 54.
Sa report, bago sinalakay ang tupadahan na matatagpuan sa Navarro St., Brgy. 177, North Camarin ay nakatanggap ng sumbong ang pulisya hinggil sa nagaganap na tupada.
Kaya’t, alas-12:45 ng tanghali nang pasukin ang lugar at nadakip ang mga suspek at nakuha ang mga manok panabong at pusta na P2,450.
Mahigpit na ipinagbabawal ang sabong o tupada dahil na rin sa pinaiiral na health protocol bunsod ng virus ng CoViD-19.