Mga sabungan sarado pa rin – DILG (Sabong News)
Author
RP
Date
JUNE 05 2020
Hindi pa rin papayagan ng gobyerno ang pagbabalik ng sabong sa pagluwag ng quarantine protocol sa bansa.
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, sa ngayon ay mananatili pa ring sarado ang mga sabungan sa buong Pilipinas.
Aniya, dapat ay maghintay ang mga sabungan ng desisyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease bago magbukas ang mga ito.
“Our advice to the various LGUs, mag-antay po tayo ng kaukulang direktiba sa IATF bago po natin payagan ang operasyon ng mga sabungan o cockpit arenas whether in a GCQ area or MGCQ area,” saad ni Malaya nitong Biyernes.
Marami ang nahuli ng ilang local government unit na mga iligal na sabong o tupada habang nasa ilalim ng community quarantine ang Metro Manila at iba pang lugar.