Mamantikang Kitchen Cabinets Solb sa Dishwashing Soap (Sabong News)
Author
KUMPUNERONG KUYA
Date
APRIL 29 2017
Minsan napakahirap ang maglinis lalo na ng mga mahirap matanggal na dumi sa bahay.
Isa ang kusina sa laging nagagamit na parte ng bahay at isa rin ito sa mga madudumi at laging dapat nalilinisan. Hindi maiiwasang hindi madumihan ang kusina dahil tatlong beses sa isang araw tayo kung kumain kaya ganito rin kadalas ang paggamit nito.
Kabilang sa mga mahirap linisin sa kusina ay ang mga tilamsik ng mantika sa cupboards o kitchen cabinets mapa-kahoy man o metal.
Pero kung tutuusin ay napakadali lang nitong linisin, walang ibang kailangan kundi kaunting sabong panghugas ng pinggan at mainit na tubig lang. Maghalo lang ng kaunting mainit na tubig at dishwashing liquid sa isang spray bottle na may tubig na. I-spray lang ito at punasan ng basahan. Ulitin itong punasan gamit ang tuyong basahan.