Lulong sa sabong, nag-suicide (Sabong News)
Author
Ludy Bermudo
Date
JULY 09 2016
MANILA, Philippines - Patay ang isang 44-an-yos na lalaki na nagbaril sa sarili gamit ang kalibre .45 baril dahil sa problemang pinansiyal sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng hapon.
Kinilala ang nasawi na si Allan Sabante, residente ng Tomas Mapua St., Sta. Cruz, Maynila.
Sa ulat ni PO3 Joseph Kabigting ng Manila Police District-Homicide Section, pasado alas-12:00 ng tanghali kahapon nang madiskubre ng caretaker ng biktima na wala nang buhay sa loob ng kuwarto nito.
Narekober sa tabi ng biktima ang kalibre .45 baril subalit walang nakitang anumang sulat o suicide note, kaya patuloy pang iniimbestigahan ang in-sidente para matiyak na walang foul play sa insidente.
Nabatid na may anak at kinakasama ang biktima at nasa 18 taon na umano ang pagsasama ng magkalive-in subalit noong nakalipas na linggo ay lumayas ang asawa sa hindi pa natukoy na dahilan.
Duda ng mga kakilala ng nasawii na may problema sa pera ang pamilya nito dahil sa madalas na bisyo ng biktima na pagsusugal o sabong.
Pinoproblema umano ng biktima ang mga nagsisipunta sa kanilang bahay na nanini-ngil ng utang.