Online cockfighting sa QC dapat may permit ng konseho (Sabong News)
Author
Angie dela Cruz
Date
FEBRUARY 03 2017
MANILA, Philippines - Upang maging legal ang operasyon ng sabungan sa Quezon City ay kailangan aprubado muna o may prangkisa na ibinibigay ng Konseho ng lungsod.
Ito ang sinabi ni QC councilor Victor “Jun” Ferrer tungkol sa operation ng online cockfighting o sabong sa ibat ibang off-track betting (OTB) stations sa QC.
Ang OTBs na tumatanggap ng online sabong bets sa lungsod ay may business permits lamang mula sa Mayor’s Office na hindi na sapat kung walang ordinansa na pumapayag sa operasyon nito.
Batay sa Section 458 ng Local Government Code kapangyarihan at tungkulin ng Sangguniang Panlungsod na magbigay ng lisensiya para sa operasyon ng sabungan,maintainance nito at para ma-regulate ang sabungan at commercial breeding ng mga panabong.
Malaki anya ang nawawalang kita ng lokal na pamahalaan dahil sa operasyon ng sabungan sa QC na hindi ikinukuha ng franchise mula sa Konseho.