Pulis sa Mindoro arestado sa sabong (Sabong News)
Author
Red Fortaleza
Date
APRIL 27 2018
Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) MIMAROPA ang isang police officer matapos na maaktuhang nakikisali sa ginagawang iligal na pagsasabong sa Marzan Village, Brgy. San Roque, San Jose, Occidental Mindoro kahapon ng hapon.
Kinilala itong si Police Insp. Arnel Tupaz, 44, residente ng Brgy. San Roque, San Jose, Occidental Mindoro at kasalukuyang nakatalaga sa Chief Investigation and Detective Management Section, sa San Jose, Municipal Police Station.
Ayon kay PNP MIMAROPA Spokesperson Supt. Imelda Tolentino alas-3:30 ng madaling-araw nang maaresto ang pulis sa isinagawang counter intelligence operations.
Nakatakda nang sampahan ng kaso ang naarestong pulis.