Ex-heneral, negosyante, pulitiko timbog sa sabong sa Batangas (Sabong News)
Kabilang umano ang isang retiradong heneral at ilang tanyag na negosyante at politiko sa mga hinuli ng awtoridad sa isang sabungan sa Batangas City.
Hindi natukoy ang ngalan ng mga ito sa ngayon.
Sa ulat ng DZRH, nagpulasan man ay naposasan ang nasa 50 katao matapos i-raid ng National Bureau of Investigation ang derby sa likod ng isang mansyon.
Banggit ni NBI Calabarzon director Atty. Max Salvador, sa panayam, ECQ pa lang ay may nagaganap nang sabong.
“Palibhasa subdivision ito, nahirapan tayong i-verify,” aniya niya sa DZRH.
Hangad niyang maaresto ang iba pang magsasabong dahil “binabastos ang ginagawa ng gobyerno natin.”