Antonio patok sa 70 sultada (Sabong News)
Mga sikat na sultador ang mga magsasasagupa sa “Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) 7-Cock Derby” ngayon, Biyernes, Feb.23 sa Pasay City Cockpit.
Nakalinya ang 70 sultada sa 3–cock elims sa pasabong na mga hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.
Liyamado si sabong idol at Rep. Patrick Antonio, sariwa pa sa panalo sa 2018 World Slasher Cup 1 at siya ring LGBA Cocker of the Year sa nakaraang taon.
Kakasahan siya nina Biboy Enriquez, Arman Santos, Mark Calixto, Cris Sioson, Gerry Escalona, Gene Perez, Rep. Larry Wacnang, Jun Sevilla, Boy Gamilla, Rey Tolentino, Madlambayan Brothers, Ricky Magtuto, Carlos Tumpalan at Nestor Vendivil.