E-sabong operators tatalupan (Latest Sabong News)
Author
Doris Franche-Borja
Date
JUNE 21 2023
MANILA, Philippines — Handa nangtalupan ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. angmga nasa likod ngillegaloperations or guerilla type e-sabong na idineklarang iligal ng pamahalaan.
Ayon kay Acorda, sisimulan na ng PNP-Anti Cybercrime Group ang cyber patrolling upang matukoy ang mga websites na ginagamit sa iligal na gawain ng mga e-sabong operators.
Tatanggalin din itosa mga online platforms at mobile applications upang hindi na magamit pa sa illegal activities.
Nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Information Technology (DICT) upang matukoyang online sitesat lugarng e-sabong.
Kadalasang ginagamit ng mga operators angprivate farms at liblib na lugar para sa cockfighting games, ayon kay Acorda.
Aminado ang PNP chief na malaking hamon sa kanila anglugar at sistema ng tayaan subalit tiwala siyangmasasawata ang illegal cockfighting.
Paalala ni Acorda, nanatili ang one-strike policy sa mga chief of police sakaling mahulihan ng illegalgambling operations sa kanilang nasasakupan.